NET WORTH NG PH TYCOONS BUMABA DAHIL SA PANDEMYA; SY SIBLINGS PINAKAMAYAMAN

Philippine tycoons.jpg

DAHIL sa COVID-19 pandemic ay lumiit ang yaman ng pinakamayayaman sa Filipinas, kung saan 32 sa nasa listahan ang bumaba ang net worth, ayon sa Forbes.

“Tycoons on the 2020 Forbes Philippines Rich List saw their collective wealth fall 22 percent to $60.6 billion as the COVID-19 pandemic disrupted the country’s economy,” pahayag ng Forbes.

Ang mga anak ni mall at banking tycoon Henry Sy ang labis na tinamaan ng pandemya, kung saan nabawasan ang kanilang yaman ng $3.3 billion ngunit nanatiling pinakamayaman sa bansa na may net worth na $13.9 billion.

Si property tycoon at dating Senador  Manuel Villar ang pangalawa sa pinakamayaman sa bansa bagama’t bumaba ang kanyang yaman sa $1.6 billion mula sa $5 billion.

Umakyat si ports magnate Enrique Razon Jr. sa No. 3 na may net worth na $4.3 billion, mas mababa sa $5.1 billion noong nakaraang taon.

Ang mga baguhan sa listahan ay si Lance Gokongwei at ang kanyang mga kapatid na nasa No. 4 at may net worth na $4.1 billion. Pinalitan nila ang kanilang ama na si John Gokongwei Jr., na pumanaw noong November 2019.

Ang top 10 richest sa Filipinas ay sina:

  1. Sy siblings; US$13.9 billion
  2. Manuel Villar; $5 billion
  3. Enrique Razon Jr.; $4.3 billion
  4. Lance Gokongwei & siblings; $4.1 billion
  5. Jaime Zobel de Ayala; $3.6 billion
  6. Andrew Tan; $2.3 billion
  7. Lucio Tan; $2.2 billion
  8. Ramon Ang; $2 billion
  9. Tony Tan Caktiong; $1.9 billion
  10. Lucio & Susan Co; $1.7 billion

Nalikom ang datos noong Agosto 2020, ngunit ngayon lamang isinapubliko.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.