TIME out muna si Director Dominic Zapata sa taping nila ng “Kara Mia” last Monday evening para manood ng world premiere nila pagkatapos ng “24 Oras”. Nanood sina Carmina Villaroel, Barbie Forteza at Mika dela Cruz, kasama ang production staff.
Bumuhos agad ang mga comment tungkol sa serye pagkatapos ang airing, at heto ang ilan sa kanilang comments:
@e_eunbe “The dialogues cite facts and well-known places and figures! The writer/s did research! Fighting until the last part! #KaraMia
@MlaStandard “We’re witnesses to the avalanche of memes that has become the hottest thing in Internet right now. That’s the charm of #KaraMia for you. Read: manilastandard.net/showbitz/tv-mo
“Thank you #karamia for showcasing our famous landmarks/tourist spots here in Bacolod City, Negros Occidental, Philippines. More power sa show!!!”
@Showbiz_Polls “GMA Network does it again by giving its viewers fresh, out of the box concept that is both entertaining and filled with inspiring life lessons. I hope they maintain the momentum and sustain the impeccable story.
Ngayon pa lang good job & thumbs up to the casts & crew!”
YASMIEN KURDI MAGIGING TEACHER NA
BUMAGAY kay Yasmien Kurdi ang pagbawas ng timbang niya dahil pinagsabay niya ang pagtatapos ng kanyang studies at pagti-taping ng bago niyang teleserye na “Hiram Na Anak.” After ng last teleserye niya, ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” nag-decide siyang huwag munang gumawa ng panibagong serye at magtapos muna ng studies niya at maging teacher.
Pero hindi niya natanggihan nang i-offer sa kanya ang “Hiram Na Anak” dahil malapit sa puso niya ang mga ganitong story na may bata. Isa pa, marami sa cast na ngayon lamang niya makakasama. Balik-tambalan din nila ito ng co-Starstruck Batch 1 niyang si Dion Ignacio na gaganap silang mag-asawa.
Inamin ni Yasmien na may pressure sa kanya na morning slot sila, first time daw niyang mapapanood at 11:30 am daily before “Eat Bulaga.” Ilang serye na kasi ang ginawa niya na laging sa afternoon prime.
Pero naniniwala si Yasmien na maganda ang story nila, na magbibigay ng aral sa mga manonood at ang cast na kinabibilangan din nina Paolo Contis, Empress Schuck, at Lauren Young, tiyak na panonoorin ito ng mga televiewer.
At mababawasan na rin ang pressure kay Yasmien dahil sa Abril 6 na ang graduation nila sa Araullo University sa Philippine International Convention Center (PICC).
ALDEN RICHARDS BACK TO WORK AGAD PAGBALIK GALING ICELAND
MONDAY evening dumating si Alden Richards from Iceland at Tuesday, balik-trabaho na siya agad. Maaga pa raw itong umalis ng Laguna dahil maaga ang call-time sa taping ng “Dear Uge” ni Eugene Domingo. Kasama niyang guest si Pekto na gumaganap silang mga security guard sa sitcom.
After ng ilang araw na bakasyon, sunod-sunod na muli ang work ni Alden dahil kagabi, Thursday, Feb-ruary 21, special guest siya ng STUDIO 7 MusiKalye 3, kasama ang iba pang Kapuso Stars at ginanap ito sa Valenzuela People’s Park, Valenzuela City. May event pa rin siyang pupuntahan sa February 23 and 24.
Comments are closed.