NETIZENS EMOSYUNAL SA PAGKIKITA NINA ALDEN AT CONEY REYES

BUMUHOS ang emosyon ng mga netizen na nanood ng confrontation scene nina Coney Reyes at Aldenshowbiz eye Richards sa “Victor Magtanggol” last Thursday evening na may hashtag na #VMTearfulReunion. Muling nag-trending as number one sa Twitter ang pagtatagpo ng mag-ina matapos ha­napin ni Victor ang inang si Vivienne na iniwanan sila ng mga kapatid niya at kanilang ama 15 years na ang nakalilipas.

Dedicated daw ang mga eksenang ito nina Coney at Alden sa ating OFWs na madalas ay ganito ang nangyayari sa totoong buhay. Hindi matanggap ni Victor na ang hinahanap na ina ay mayroon na palang kasama ngayon, ang kanyang first love at dating boyfriend.  Kahit humihingi ng tawad si Vivienne, iniwanan lamang siya ni Victor.

Kasunod nito ay ang pagkausap ni Victor sa mga kapatid na tumawag agad nang malamang may tumutulong sa kanya sa pag­hahanap sa kanilang ina.  Hindi nakaya ni Victor na ipagtapat sa mga kapatid ang nalaman niya sa kanilang ina, umiwas siyang sagutin at tatawag na lamang daw siya kapag may maganda na siyang balita.

Sa Twitter, iyon ang mga comment ng mga netizen, na nadala sila masyado sa eksena nina Coney at Alden, dalawang mahuhusay na dramatic actors sa showbiz.

Samantala, sinagot ng GMA 7 ang mara­ming requests sa kanila na mapanood ang pilot week ng “Victor Magtanggol.”  Dubbed as “Victor Magtanggol Rewind,” muli itong napanood noong Sunday, August 5, from 3:30 PM to 5:25 PM.

AKTRES GUSTONG MAG-OBER DA BAKOD DAHIL SA BOYFRIEND

TAPOS na kaya ang contract ng isang actress sa kanyang home network at may balak na siyang lumipat ng ibang network?  Nauna rito ay umalis na raw ang actress sa dati niyang manager at iba na ang nagma-manage sa kanya.  Iyon daw ang gusto ng boyfriend ng actress na lumipat na siya ng network, e love na love daw ng actress ang actor-boyfriend nito kaya pumayag siya. Ang problema lamang ay kung hindi pa tapos ang contract niya, paano siya lilipat? Iyong mga well-meaning friends ng actress, nanghihinayang sa kanya kung lilipat siya dahil hindi raw siya nakasisiguro kung bibigyan siya ng magandang project sa lilipatan dahil ang dami-daming talents doon. Sana raw ay mag-isip munang mabuti ang actress kung tama ang gagawin niya.

DINGDONG ‘DI NAGPA-BONGGA SA KANYANG BIRTHDAY

DINGDONG DANTESTAHIMIK lamang ang birthday celebration ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes noong Agosto 2, dahil may work din siya, nag-taping siya ng spiels ng “Amazing Earth” ng ipakikita niyang kagandahan ng disyerto sa Nevada, USA at ang mga hayop doon.  Feature din ni Dingdong ang Sand Dunes natin sa Paoay, Ilocos Norte sa programa na mapapanood sa Linggo, Agosto 5, pagkatapos ng “24 Oras.”

Pero ang fans ni Dingdong, tulad nang nakagawian na nila taon-taon, nag-offer sila ng special birthday mass para sa kanya. Kung ilang taon na si Dingdong, at 38, ganoon din karami ang churches na nag-offer ng birthday mass.

Pero tiyak, dahil sa Agosto 12 naman ang birthday ng wife niyang si Marian Rivera, doon sila magkakaroon ng malaking celebration or travel here or abroad.

Comments are closed.