NETIZENS HATI ANG REAKSIYON SA PAGPAPA-SELFIE NG MEGA STAR KAY ‘SELFIE KING’

sharon-bong-go

KALAT ngayon sa internet ang picture ni Megastar Sharon Cuneta na nagpapa-selfie kay Specialreflection Assistant to the President Bong Go sa event ng Philippine Airlines. Hati ang reaksiyon ng netizens.

Ang iba, naaliw kasi ang Megastar ay nagpa-selfie sa “Selfie King.” Pero may nang-iintriga na hindi naman talaga si Bong Go ang target ni Mega kundi ang pagsipsip daw kay Presidente Rodrigo Duterte.

Tatakbo raw kasing Mayor sa Pasay ang isang kapatid ni Ate Shawie kaya gusto niya ng endorsement ni Digong.

Ganern?

But how true na hindi raw feel ni Sen. Kiko Pa­ngilinan si Digong. At may netizens na sumusulsol kay Kiko na kumampi na kasi kay Duterte dahil ang mismong ipinagtatanggol ni Sen. Kiko na Commission on Human Rights ay tipong wala na ring “K” na bumatikos sa Pangulo.

Kurap din daw ang CHR sabi ng COA.

Nasa hot water diumano ang Commission on Human Rights (CHR) pagkatapos matuklasan ng Commission on Audit (CoA) ang mahigit kumulang P3.6 million worth of unliquidated cash advances sa ahensya noong 2017 at P5.4 million spent on trainings and seminars at ritzy hotels.

Na-audit daw ang P1.066 million worth of unliquidated cash advances from employees and P2.565 million from special disbursing officers. ‘Yung cash advance daw ginamit sa mga byahe either sa loob ng bansa o sa abroad.

Nadiskubre rin daw ng CoA ang officers from CHR Eastern Visayas were issued P122, 558 worth of cash advances despite the non-liquidation of previous cash advances.

Ayon pa sa COA, “At CHR Zamboanga Peninsula cash advances which were not bonded were released to employees  which may result to possible loss of government funds.”

CHR should impose sanctions on officials who “neglect obligations in handling cash advances in accordance with existing laws, rules and regulations,” pahayag ng CoA.

May mga seminar at workshop pa raw na ginawa sa mga hotel kung saan ang participants ay naka-book instead na gawin na lang sa function rooms.

Kaya dapat daw mag-impose ng sanction ang CHR sa kanilang opisyales who  neglect obligations in handling cash advances in accordance with existing laws, rules and regulations ayon sa COA.

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA MAY RAPPORT ONSCREEN

BILLY-COLEENMAY rapport naman pala on screen ang newlywed couple na sina Billy Crawford and Coleen Garcia. ‘Yan ang nakita namin  when we watched them sa kauna-unahan nilang pagtatambal sa longest drama anthology on television, ang “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN last Saturday.

Sinadya man o hindi nina Billy at Coleen na umiwas na gumawa ng proyekto na magkasama sila noon, mukhang ‘di nila kinayang tanggihan na gampanan ang kuwento ng pag-ibig nina Allan at Remy na tampok sa last episode ng MMK.

Nabuo ang pag-iibigan nina Billy at Coleen sa noontime show na ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya network hanggang sila ay ikasal last April. Nawala sa ‘It’s Showtime’ si Coleen habang nanatili naman si Billy sa noontime show.

But lately, hindi napapanood si Billy sa noontime show. Hopefully, wala naman sigurong isyu between him sa sinuman sa kanyang mga kapwa host sa It’s Showtime.

Comments are closed.