MARAMING natuwang netizens, especially mga fans ni phenomenal star Maine Mendoza, nang mag-release ang GMA Network kung sino ang bubuo ng kanilang “All-Out Sundays – The Stay Home Party,” para sa Sunday, May 10 na isi-celebrate ng online show ang Mother’s Day. Ilang linggo na rin, simula ng enhanced community quarantine (ECQ) na naka-online ang show sa Facebook, Twitter at YouTube using the zoom app.
Tomorrow, special guests ang dalawang All Access to Artists (Triple A) actresses Maine Mendoza at Kisses Delavin. Makakasama nila sa Live Streaming sina Betong Sumaya, Ken Chan, Kakai Bautista at ang iba pang All-Out Sundays Barkadas. First time lamang ni Maine mag-guest sa show, pero last week, nag-guest na si Kisses. At araw yata ito ni Kisses, dahil after ng live streaming, mapapanood naman siya sa “Dear Uge Presents: Viral Maging Judgmental” as special guest sa Dear Uge episode at 2:30 PM, sa GMA-7.
MAVY AT CASSY LEGASPI MAY TOUCHING MESSAGE SA INANG SI CARMINA
SINCE Mother’s Day nga sa Sunday, May 10, may touching message naman ang mga anak ni Carmina Villarroel, ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy. Proud daw silang magkapatid na sundan ang yapak ng kanilang ina at ang taos-pusong pasasalamat nila sa kanilang Nanay. Sabi ni Mavy: “Cassy and I are inspired to do so many things just because of your hard work and your grit and your success. And we want to reach our dreams because of what you’ve shown us, the path you’ve given us. We’ve been very thankful for everYthing that you do for us, and to Tatay, for everyone.”
Sa kabila ng lahat, very active ang Legaspi family sa pagpapaabot ng tulong sa frontliners at sa mga higit na apektado ngayon ng ECQ at COVID-19 pandemic.
JANINE GUTIERREZ INALALA ANG MAGANDANG SAMAHAN NILANG MAG-INA NGAYONG MOTHER’S DAY
ISA RIN si Janine Gutierrez na may magandang memories sa inang si Lotlot de Leon ngayong Mother’s Day. Bata pa si Lotlot, 17, nang isilang niya ang panganay na si Janine, kaya maikli lamang ang kanilang age gap, kaya natatandaan niyang palagi silang naglalaro ng mommy niya. Kaya nang magdalaga na siya, ang ina ang kanyang naging gabay.
“She’s always been amazing and up to now she’s really a source of guidance – living alone, cooking, mga things like that. I’m so lucky that she’s always one call away. Kaya nang magsimula na akong magtrabaho, ang biggest advice niya was to love your job, to be respectful of the people you work with, at hindi ko iyon kinalilimutan.”
Comments are closed.