NETIZENS SHOCKED SA DARING SHAWIE

faceup

NAGULAT ang lahat nang bumalandra ang mga larawan ni Sharon Cune­ta na nakabuyangyang angsharon cuneta malusog niyangg dibdib. Shocked din ang mga netizens na nakapanood ng trailer ng pelikulang “Revirginized” nang  magmura at magsalita na si Megastar ng “malaki ang t_t_.” May mga negatibong reaksyon din na nagsasabing kung kailan nagkaedad si Megastar ay saka pa siya pumayag sa role na ibang iba sa kanyang personalidad.

Depensa naman PR group ng aktres, romance-comedy ang nasabing movie. Swak pa ang leading man niya na si Marco Gumabao na sobrang fafalicious. Kung sabagay, entertaining ang trailer ng Revirginized. Sa panahon ng pandemya, gamot ang pagtawa sa stress.

Pero teka lang! May problema ang masang manonood kung wala silang gadgets at wifi konek para sa Livestream. Sana lang, bumalik na sa normal na sitwasyon sa bansa.

Sa hiwalay na balita, naku naman, nagpapakaama si Derek Ramsay kay Modesto Elias, lovechild nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Nang bigyan ng birthday party ni Lloydie si Elias, kasama ni Ellen si Derek at may picture pa silang tatlo. Inatake siya ng bashers pero walang paki si Derek. Hindi Kaya nagsasanay ang aktor na maging ama uli? Balita naming, gusto na niyang bumuo ng masayang pamilya.

Nakaplano na ang kanilang kasal. Sana nga, maging wagas ang kanilang pagmamahalan. Isa lang ang payo ko sa kanila: huwag silang maging patola sa mga isyu lalo na kapag aytem sina Lloydie at Elias. Wagi na sila, kaya i-sustain na lang ang happiness.

Pero teka, pahabol na intriga. Naniniwala ba kayo sa hula? May nanghula kasing kahit makasal sina Derek at Ellen ay hindi rin magtatagal ang kanilang pagsasama at mauuwi rin sa hiwalayan. Oops, galing po iyan sa isang manghuhula. Hindi ako ang maysabi niyan.

One thought on “NETIZENS SHOCKED SA DARING SHAWIE”

Leave a Reply

Your email address will not be published.