NETS BALIK SA PORMA

NAGING sandigan ni Kyrie Irving ang mainit na shooting upang makalikom ng season-high 50 points nang gapiin ng  Brooklyn Nets ang host Charlotte Hornets, 132-121, Martes ng gabi.

Pinutol ng Nets ang four-game losing streak sa likod ni Irving, na bumuslo ng 15-for-19 mula sa field, kabilang ang 9-for-12 sa 3-point attempts. Limitado ang paglalaro ni Irving ngayong season dahil sa kanyang unvaccinated status at restrictions na pumigil sa kanya na maglaro sa home games.

Kumubra si Andre Drummond ng 20 points at 14 rebounds, tumipa sina Bruce Brown at Kevin Durant ng tig-14 points at nagdagdag si Patty Mills ng 12 points para sa Brooklyn, na naitala ang kanilang second-highest point total sa season. Ang produksiyon ay tinampukan ng 56.1 percent shooting mula sa field.

Umiskor sina Miles Bridges at Terry Rozier ng tig-30 points, nag-ambag si LaMelo Ball ng 24 points at nagposte si reserve Kelly Oubre Jr. ng 15 points para sa Hornets, na natalo sa ika-9 na pagkakataon sa kanilang nakalipas na 11 home games. Pumasok sila sa laro sa kanilang unang two-game winning streak overall magmula noong Enero.

WARRIORS 112,

CLIPPERS 97

Kumana sina Jonathan Kuminga at Jordan Poole ng pinagsamang 41 points mula sa bench upang pangunahan ang Golden State sa panalo kontra Los Angeles sa San Francisco.

Pinangunahan ni Kuminga ang lahat ng scorers na may 21 points, kumabig sina Poole at Klay Thompson ng tig-20, kumamada si Stephen Curry ng 15 at nagdagdag si Andrew Wiggins ng 14 para sa Warriors na pinutol ang five-game losing streak.

Nagbuhos si Nicolas Batum ng team-high 17 points para sa Clippers, na ang point total ay pinakamababa para sa isang Golden State opponent matapos ang132-95 panalo sa Portland sa unang laro ng Warriors matapos ang All-Star break. Nalasap ng Los Angeles ang ikalawang sunod na kabiguan.

Suns 102,

Magic 99

Naiposte ni Deandre Ayton ang kanyang ika-20 double-double sa season at nagdagdag si Cameron Payne ng 18 points at 12 assists nang igupo ng Phoenix ang host Orlando.

Tumirada si Ayton ng double-double sa half at kinuha ng Suns ang 53-43 lead. Ang 6-foot-11 center ay tumapos na may 21 points at 19 rebounds upang tulungan ang Phoenix na walisin ang season series sa  Magic sa unang pagkakataon magmula noong 2015-16.

Nagmintis ang Orlando, na sumalang sa laro na katabla ang Houston Rockets para sa NBA’s worst record, sa 32 3-point attempts (7-for-39) at gumawa ng  kabuuang

12  turnovers. Naglaro rin ang Magic na wala si Jalen Suggs, na lumiban sa ikalawang sunod na laro dahil sa sprained right ankle.

Sa iba pang laro ay naungusan ng Cavaliers ang Pacers, 127-124; pinatahimik ng Bucks ang Thunder, 142-115; at ginapi ng Grizzlies ang Pelicans, 132-111.