ISINALPAK ni Kawhi Leonard ang go-ahead jumper, may 2:50 ang nalalabi sa fourth quarter, at naitala ang 14 sa kanyang 21 points sa game-ending 22-0 run para sa Los Angeles Clippers, na humabol para sa 125-114 panalo laban sa bisitang Brooklyn Nets noong Linggo.
Isinuko ng Clippers ang unang 16 points ng laro, tatlong beses na naghabol sa 18 points sa third at naharap sa 15-point deficit papasok sa fourth. Pagkatapos ay na-outscore nila ang Nets, 41-15, sa huling 12 minuto sa pagsalpak sa 12 sa 16 shots, pagbuslo ng 12 free throws at na-outrebound ang Nets. 14-2.
Tangan ng Nets ang114-103 kalamangan sa basket ni Mikal Bridges, may 5:33 ang nalalabi, subalit matapos ang timeout, sinimulan ng Clippers ang kanilang run. Kumana si Paul George ng isang 3-pointer at kinuha ng Clippers ang kanilang unang kalamangan nang ilagay ng 9-foot fadeaway ni Leonard ang talaan sa 115-114, may 2:50 ang nalalabi.
Makaraang ipasok ang dalawang free throws, isinalpak ni Leonard ang isang 3-pointer, may 64 segundo ang nalalabi, at isa pang triple sa huling 29.9 segundo upang kunin ang ika-24 panalo ng Clippers sa huling 31 laro.
Bumuslo si Leonard ng 6-of-15 overall sa araw na nahirapan ang Clippers na makita ang kanilang rhythm hanggang sa fourth. Nanguna si James Harden para sa Clippers na may 24 points, 8 dito ay nagmula sa fourth, at nagbigay rin ng 10 assists.
Magic 105,
Heat 87
Nakakolekta si Paolo Banchero ng 20 points at 10 rebounds upang pangunahan ang host Orlando Magic sa panalo kontra Miami Heat.
Naibuslo ni Banchero ang 7 sa 14 shots mula sa floor at 3 of 5 mula sa 3-point range upang tulungan ang Orlando na gapiin ang Sunshine State rival nito sa unang pagkakataon sa tatlong paghaharap ngayong season.
Nagtala si Franz Wagner ng 19 points at 5 assists sa kanyang pagbabalik mula sa eight-game absence dahil sa right ankle sprain.
Nakakolekta si Wendell Carter Jr. ng 17 points at 9 rebounds, tumipa si Markelle Fultz ng 12 points at nagdagdag si Jalen Suggs ng 11 para sa Magic, na naitala ang kanilang ikalawang panalo pa lamang sa pitong laro.
Bumuslo ang Orlando ng 47.4 percent mula sa floor (37 of 78) at tangan ang decisive 54-36 edge sa paint.
Tumapos si Miami’s Bam Adebayo na may 22 points, 11 rebounds at 7 assists at nagdagdag si Jimmy Butler ng 15 points. Nagsalpak si Tyler Herro ng apat na 3-pointers para sa kanyang12 points at nag-ambag si Caleb Martin ng 11 points para sa Heat.
Nuggets 113,
Wizards 104
Umiskor si Nikola Jokic ng 42 points sa 15-of-20 shooting at kumalawit ng 12 rebounds, at pinataob ng bisitang Denver Nuggets ang struggling Washington Wizards.
Si Jokic, nagbigay ng 8 assists, ay may average na 74.6 percent mula ss field sa huling 12 games, at pinangunahan ang Denver sa walong panalo sa naturang span.
Umiskor sina Michael Porter Jr. at Jamal Murray ng tig-19 points, nag-ambag si Aaron Gordon ng 11 points at 10 rebounds at tumapos si Kentavious Caldwell-Pope na may 10 points para sa Nuggets.
Nagposte si Tyus Jones ng 15 points at 13 assists, tumipa si Kyle Kuzma ng17, umiskor din si Daniel Gafford ng 15 points at nagdagdag din sina Landry Shamet at Marvin Bagley III ng 14 points mula sa bench para sa Washington.