HUMATAW si Luka Doncic ng 51 points upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa kanilang ika-6 na sunod na panalo habang nahila ng Brooklyn Nets ang kanilang win streak sa 11 noong Sabado.
Nagdagdag si Doncic ng 9 assists, 6 rebounds, 4 steals at 1 blocked shot sa isang maestro performance para sa Mavericks sa 126-125 panalo sa San Antonio.
“I’m exhausted,” wika ni Doncic. “Our defense wasn’t great. At the end we got a couple stops. Overall we win the game and that’s it.”
Isinalpak ng 23-year-old Slovenian guard ang dalawang free throws, may 4.1 segundo ang nalalabi para sa mga huling puntos ng Dallas, pagkatapos ay kumalawit ng rebound makaraang magmintis si Spurs’ Tre Jones sa tying free throw attempt, may 2.1 segundo ang nalalabi upang selyuhan ang panalo ng Mavs.
Ito ang ikatlong 50-point effort sa limang laro para kay NBA scoring leader Doncic, na hindi maipaliwanag was at a loss to explain his high-point nights of the season.
“I don’t know,” Doncic said. “Some games they are going to double (cover) me, some games they are going to let me run the pick and roll. I just accept the coverage and go from there.”
Nagdagdag si Christian Wood ng 25 points at 7 rebounds para sa Dallas.
Samantala, umiskor si Brooklyn’s Kyrie Irving ng 28 points at nagdagdag si Kevin Durant ng 23 upang pangunahan ang Nets sa 123-106 panalo sa Charlotte, at palawigin ang kanilang win streak sa 11.
Umangat ang Nets sa 24-12 at umakyat sa second place sa Eastern Conference, naging tanging koponan ngayong season na umabot sa 24 panalo.
Tumipa si LaMelo Ball ng 23 points at 11 assists habang nag-ambag si Mason Plumlee ng 22 points at 10 rebounds para sa Charlotte, na nahulog sa 10-27.
Sa iba pang laro, nalasap ng Minnesota Timberwolves ang ika-6 na sunod na kabiguan sa 116-104 home loss sa league-worst Detroit (10-29).
Kumubra si Bojan Bogdanovic ng 28 points upang pangunahan ang Pistons habang tumabo si Anthony Edwards ng 30.
Natamo ni Philadelphia’s Joel Embiid ang kanyang ika-5 career triple double na mat 16 points, 13 rebounds at 10 assists sa 115-96 panalo ng 76ers sa Oklahoma City.
Nanguna si Tobias Harris para sa Sixers na may 23 points habang nagdagdag sina Shake Milton ng 18 at De’Anthony Melton ng 17 points para sa Philadelphia.
Umiskor si Ja Morant ng 32 points at ginapi ng host Memphis Grizzlies ang New Orleans, 116-101. Humugot si New Zealander Steven Adams ng 21 points para sa Memphis (22-13), na lumapit ng isang laro sa Western Conference leader Denver.
Nakalikom si Zion Williamson ng 20 points upang pagbidahan ang Pelicans (23-13), na nahulog ng kalahating laro sa likod ng Denver.
Isinalpak ni Tyler Herro ang isang 3-pointer sa buzzer upang bigyan ang Miami ng 126-123 panalo sa Utah. Nanguna si Bam Adebayo para sa Heat na may 32 points habang nag-ambag si Herro ng 29 para sa Miami.
Umiskor si Julius Randle ng 35 points at kumalawit ng 12 rebounds upang pangunahan ang New York sa 108-88 panalo sa Houston, na pinutol ang five-game losing streak ng Knicks.
Nagbuhos si Caris LeVert ng 23 points at pinutol ng Cleveland Cavaliers ang three-game losing streak nang maungusan ang Chicago, 103-102, makaraang magmintis si DeMar DeRozan sa winning jump shot para sa Bulls sa buzzer.
Tumirada si Myles Turner ng 34 points at nagdagdag si Tyrese Haliburton ng 24 upang pangunahan ang Indiana Pacers kontra bisitang Los Angeles Clippers, 131-130.
Kumamada si Chris Paul ng game-high 45 points para sa Clippers.