NETS NILAMBAT ANG BUCKS

UMISKOR si Cam Thomas ng 32 points at lumamang ang Brooklyn sa halos buong second half at lumayo sa fourth quarter upang pataubin ang Milwaukee sa New York, 115-102

Nagdagdag si Dennis Schroder ng 29 points para sa Brooklyn. Naibuslo ng veteran guard ang 8 sa 15 tira at nakipagtuwang kay Thomas upang ipasok ang 18 sa 36 tira at ang pito sa 16 na tres ng Nets.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks na may 22 points, 12 rebounds at 7 assists subalit hindi nagkaroon ng pagkakataon na magdomina. Kumabig si Damian Lillard ng 21 points, nag-ambag si reserve Bobby Portis ng 16 points at gumawa si dating Net Brook Lopez ng 15 para sa Bucks na sablay sa 23 sa 33 3-point tries.

76ers 118, Pacers 114
Nagbuhos si Tyrese Maxey ng 45 points, kabilang ang 10 sa overtime, at nakumpleto ng Philadelphia 76ers ang late rally upang maitala ang kanilang unang panalo sa season makaraang gapiin ang Indiana Pacers sa Indianapolis.

Ang pagkinang ni Maxey sa extra period ay nagsimula sa isang malalim na step-back 3-pointer para sa mga unang puntos ng overtime. Ang kanyang pag-atake sa rim, may 20.7 segundo ang nalalabi, ay nagresulta sa goaltending violation at napalobo ang one-point lead ng Sixers sa tatlong puntos.

Naiwasan lamang ng Indiana ang total disaster sa pagtatapos ng regulation nang isalpak ni Tyrese Haliburton ang isa sa kanyang apat na 3-pointers bago ang buzzer upang ipiforce overtime. Umiskor si Haliburton ng team-high 22 points, subalit gumawa ng mas maraming turnovers (tatlo) kaysa assists (dalawa).

Umiskor si Caleb Martin ng 17 points at kumalawit ng 12 rebounds para sa Philadelphia. Nagdagdag si Andre Drummond ng 17 rebounds, 9 points at pares ng steals.

Clippers 112, Warriors 104
Nagsalansan si Ivica Zubac ng 23 points, 18 rebounds at 6 assists at nagdagdag si James Harden ng 23 points at 11 assists upang tulungan ang Los Angeles na gapiin ang Golden State sa home opener ng Warriors sa San Francisco.

Tumipa si Norman Powell ng 20 points at nag-ambag si Derrick Jones Jr. ng 18 para sa Clippers, na ang 13-point lead sa fourth trimmed ay natapyas sa 101-100 sa 3-pointer ni Andrew Wiggins, may 3:47 sa orasan.

Inilabas si Warriors star Stephen Curry, may 2:43 ang nalalabi sa third quarter, makaraang ma-sprain ang kaliwang bukong-bukong. Hindi siya umalis sa bench area at muling ipinasok sa huling 8:08 ng laro at naghahabol ang Warriors sa 93-85. Subalit ang kanyang pagbabalik ay tumagal lamang ng 13 segundo dahil pinalitan siya ni Wiggins, na tumapos na may game-high 29 points, may 7:55 ang nalalabi.

Thunder 128, Hawks 104
Nagposte si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points, 11 rebounds at 9 assists upang tulungan ang host Oklahoma City na dispatsahin ang Atlanta.

Nagdagdag si Chet Holmgren ng 25 points at 9 rebounds at umiskor si Jalen Williams ng 20 points upang iangat ang Thunder sa 3-0 sa unang pagkakataon magmula noong 2016.

Abante ang Hawks sa 92-91, may 10:31 ang nalalabi sa fourth quarter, subalit nakuha ng Oklahoma City ang kontrol sa laro. Isang floater ni Alex Caruso ang nagbigay-daan upang mabawi ng Thunder ang kalamangan at sinindihan ang 13-0 run. Nanguna si Trae Young para sa Atlanta na may 24 points subalit may 10 turnovers.

Trail Blazers 125, Pelicans 103
Kumana si Jerami Grant ng 28 points, nagposte si Deandre Ayton ng double-double at ibinasura ng host Portland ang New Orleans.

Tumapos si Ayton na may 17 points at 12 rebounds, kumabig si Anfernee Simons ng 27 points, gumawa si Toumani Camara ng 12 at nagdagdag si Deni Avdija ng 11 at ang lahat ng limang Blazers starters ay kumamada ng double figures at na-outscore ang kanilang Pelicans counterparts, 95-69.

Umabante ang Portland ng hanggang 24 points upang kunin ang kanilang unang panalo sa season. Umiskor si CJ McCollum ng 27 points, gumawa si Jordan Hawkins ng 17 mula sa bench at nag-ambag sina Brandon Ingram at Zion Williamson ng tig- 14 points upang pangunahan ang Pelicans.