TUMIPA si Luka Doncic ng 27 points at lumayo ang bisitang Dallas Mavericks sa second half para sa 115-98 panalo kontra Brooklyn Nets, na naputol ang season-high winning streak sa walong laro, noong Sabado ng gabi (US time).
Nagwagi ang Mavericks sa ika-8 pagkakataon sa 11 games at bumawi mula sa 111-97 pagkatalo sa Philadelphia noong Huwebes. Nalimitahan ng Dallas ang Brooklyn sa 34 points matapos ang halftime.
Bumuslo si Doncic ng 11 of 21 mula sa floor, at nagdagdag ng 7 assists at 6 rebounds. Bumalik si Kristaps Porzingis mula sa 3-game absence dahil sa back injury at nag-ambag ng 18 points.
Umiskor si Jalen Brunson ng 14, gumawa siTim Hardaway Jr. ng 13 at tumapos si Dorian Finney-Smith na may 12 para sa Mavericks na bumuslo ng 52.3 percent at nagsalpak ng 14 3-pointers.
Naglaro ang Nets na wala sina Kyrie Irving (right shoulder) at Kevin Durant (left hamstring).
Nanguna si James Harden para sa Nets na may 29 points, 25 sa first half, at bumuslo ng 9 of 21 sa kabuuan at gumawa ng anim na turnovers.
Nagdagdag sina Jeff Green at Bruce Brown ng tig-12 points para sa Brooklyn na bumuslo ng 40.7 percent at nalimitahan sa mas mababa sa 100 points sa ikatlong pagkakataon ngayong season.
SPURS 117,
PELICANS 114
Nagposte si DeMar DeRozan ng 32 points at 11 assists upang pangunahan ang balansiyadong atake ng San Antonio Spurs tungo sa 117-114 panalo laban sa bisitang New Orleans Pelicans 117-114 sa kanilang unang home game sa loob ng 18 araw.
Abante ang Spurs ng 10 papasok sa final period, subalit tinapyas ng New Orleans ang bentahe sa 114-111 sa layup ni Zion Williamson, may 57.8 segundo sa orasan.
Nagdagdag si Dejounte Murray ng isang free throw at si DeRozan ng dunk, may 11.4 segundo ang nalalabi, upang palobohin ang kalamangan ng San Antonio sa anim na puntos.
Nagtala si LaMarcus Aldridge ng 21 points mula sa bench para sa San Antonio. Umiskor sina Murray ng 18, Lonnie Walker IV ng 17, at Patty Mills ng 13 para sa Spurs.
Nagbida si Brandon Ingram para sa Pelicans na may 29 points. Nagdagdag sina Williamson ng 23 points at 14 rebounds, Eric Bledsoe ng 19, Lonzo Ball ng 16, at Willy Hernangomez ng 12 points para sa New Orleans.
KNICKS 110,
PACERS 107
Nagposte si Julius Randle ng 28 points at 10 rebounds upang tulungan ang host New York Knicks na maitakas ang 110-107 panalo kontra Indiana Pacers.
Kumamada si RJ Barrett ng 24 points at nag-ambag si Derrick Rose ng17 points at season-high 11 assists para sa Knicks, na nalusutan ang maagang 16-point deficit upang itarak ang kanilang ika-6 na panalo sa walong laro.
Pinutol din ng panalo ang four-game home losing skid sa Indiana.
Umiskor si Doug McDermott ng 20 points at gumawa si T.J. McConnell mg 17 points at 12 assists para sa Pacers, na natalo ng walo sa kanilang huling 11 laro.
JAZZ 124,
MAGIC 109
Pinangunahan ni Donovan Mitchell ang pitong Utah Jazz players sa double figures na may 31 points nang gapiin ng Utah Jazz ang Orlando Magic, 124-109.
Nagsalpak si Mitchell ng limang 3-pointers at nagbigay ng 6 assists para sa Utah, na pinalobo ang four-point halftime lead sa blowout victory.
Bumawi ang Jazz sa pagkatalo sa Miami noong Biyernes ng gabi.
Sa iba pang laro, tinambakan ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder,126-96; tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia 76ers, 112-109, sa overtime; at namayani ang Washington Wizards laban sa Minnesota Timberwolves, 128-112.
Comments are closed.