LOS ANGELES – Nagbuhos si Kevin Durant ng 33 points sa kanyang pagbabalik mula sa three-game injury absence at pinahigpit ng Brooklyn Nets ang kapit sa liderato sa NBA Eastern Conference sa pamamagitan ng 128-119 panalo kontra Phoenix Suns.
Hindi kinakitaan ng pangangalawang si Durant matapos na lumiban dahil sa thigh injury. sa 28 minutong paglalaro. Bumuslo siya ng 12-of-21 mula sa floor sa salpukan ng dalawa sa pinakamahuhusay na koponan sa NBA.
Kumana si Kyrie Irving ng team high 34 points, kung saan nagtala siya ng 30-plus para sa ika-15 pagkakataon ngayong season, at tumapos si Blake Griffin na may 16 para sa Brooklyn, na umangat sa 41-20 para sa isa’t kalahating larong agwat sa second place Philadelphia 76ers sa Eastern Conference standings.
Umiskor sina Jeff Green at Joe Harris ng tig-10 points para sa Nets, habang kumalawit si DeAndre Jordan ng 12 rebounds sa harap ng pandemic-limited crowd na 1,700 sa Barclays Center arena.
Tumirada si Devin Booker ng 36 points para sa Phoenix, habang nagtala si Deandre Ayton ng 20 points at 13 rebounds.Nalasap ng Suns ang ikalawang sunod na pagkabigo sa unang pagkakataon magmula noong Enero.
Nakalikom si Torrey Craig ng 20 points habang nalimitahan si point guard Chris Paul sa 14 points lamang sa 5 of 11 shooting.
Ang Phoenix, pangalawa sa West sa likuran ng Utah Jazz, ay bumagsak sa 42-18 at ngayon ay 2 -2 sa five-game East coast road trip.
Na-outscore ng Brooklyn, naglaro na wala si injured James Harden sa ika-10 sunod na laro, ang Suns, 31-27, sa final quarter makaraang maghabol ng hanggang 13 sa second period. Nanalo sila ng anim sa 10 games na wala si Harden sa lineup.
Abante ang Nets ng limang puntos lamang, 97-92, sa pagtatapos ng third ngunit isang three pointer mula kay Durant ang nagpalobo sa kalamangan sa 102-92 sa kaagahan ng fourth at hindi na lumingon pa.
Sa iba pang laro ay pinangunahan nina Draymond Green at Stephen Curry ang 117-113 panalo ng Golden State Warriors kontra Sacramento Kings; pinadapa ng Indiana Pacers ang Orlando Magic, 131-112; ginapi ng Washington Wizards ang Cleveland Cavaliers, 119-110; nadominahan ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 111-104; at dinurog ng Charlotte Hornets ang Boston Celtics, 125-104.
657882 289201 Nice post. I learn something more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice just a little something from their store. Id prefer to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your web weblog. Thanks for sharing. 63766
369318 385408The the next occasion I read a weblog, I genuinely hope so it doesnt disappoint me about brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing fascinating to state. All I hear can be a lot of whining about something which you could fix in case you werent too busy searching for attention. 310086
646891 279176I like this post, enjoyed this 1 appreciate it for putting up. 715104