“NETWORK FREEZE” IPINATUTUPAD NG NTC SA TELCOS, ISPs

NAGLABAS ng Memorandum Circular ang NTC noong April 25, 2022 na inaatasan ang lahat ng telcos at ISPs upang suspendehin ang lahat ng pangunahing network repairs at maintenance works mula May 04-14, 2022. Ito ay upang matiyak ang non-interruption of telecommunication services at ang patuloy na connectivity of election related communications ngayong panahon.

Gayunman, ang emergency repairs ay pinahihintulutan basta iniimpormahan ang NTC.

Ang concerned entities ay kinakailangang agad na impormahan ang NTC sa mga detalye ng emergency repair. Telcos at ISPs maintenance personnel (kabilang ang subcontractors) ay kinakailangang magsuot ng company ID, uniform at company marked vehicles sa lahat ng pagkakataon.

Ang NTC ay magbibigay ng kaatasan sa Comelec, AFP at PNP para mapigilan ang unscrupulous persons na makalikha ng telecommunication services.

Humiling din ang NTC sa DPWH na suspendihin ang mga ginagawang paghuhukay na maaaring maging sanhi ng fiber cuts mula Mayo 4 hanggang 14, 2022. Ang NTC ay nakatanggap ng sulat mula sa Globe Telecom kaugnay sa posibilidad na fiber cuts na maaaring maidulot ng mga paghuhukay.