NEUTRAL DESKS SA MGA PAARALAN SA BUONG BANSA

Neutral Desk

LAHAT ng paaralan sa buong bansa ay kinakailangan nang magkaroon ng neutral desks o arm chairs para sa mga right-handed at maging mga left-handed na mga estudyante.

Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas  na nagmamandato sa lahat ng mga educational institution sa buong bansa pribado man o pampubliko.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11394 (Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act), sa unang taon ng implementasyon nito ay dapat ay mayroong neutral desks na katumbas ng 10 porsiyento ng populasyon ng mga estud­yante at sa kalaunan ay dapat puro neutral desks na ang ipagagamit sa mga estudyante.

Nakasaad din sa batas ang pag-aatas sa Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education  ang paglalatag sa mga regulasyon  at administrative penalties sa mga lalabag sa nabanggit na batas. EVELYN QUIROZ