MAYNILA-MALAKI ang ibinaba ng panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) kumpara noong Lunes o Abril 6.
Ito, batay sa case bulletin number 24 ng Department of Health (DOH) ay 104 lamang ang kaso ng nasabing sakit na mas mababa ng nasa 85 percent o 310 sa dating 414 na kaso noong Lunes.
Maging ang nakarekober ay mataas din ng dalawa kumpara sa dating siyam na ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay 11 ang panibagong napauwi ng bahay mula sa confinement.
Sa kabuuan, 84 na tinamaan ng COVID-19 ay gumaling.
Samantala,14 pasyente ang bigong maisalba ng mga doktor kaya sumampa na sa 177 ang nasawi sa nasabing sakit.
Samantala, puspusan ang pagsasayos sa maraming health facilities para na ang massive testing.
Inaasahang kapag marami na ang sumailaling sa testing ay mapipigilan ang pagdami ng kaso at kamatayan dahil maibubukod na ang mga positibo para pagalingin. EUNICE C.