ISA sa pinamakaganda at tumatak na teleseryeng ginawa ni Arianne Bautista sa GMA7 ay ang Ika-6 Na Utos na pinagbidahan nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon at dating Kapuso star na si Ryza Cenon. Tulad ni Ryza ay lumipat na rin sa ABS-CBN si Arianne na isa rin palang young entrepreneur at co-founder ng Tornado Peri-Peri Chicken na mayroon ng apat na branch.
Tatlo sa branches nito ay matatagpuan sa Maginhawa St, Quezon City, Cavite at sa Palawan.
“I just wanted a small business kasi wala rin naman akong background. I graduated with a Tourism course. “Positive ‘yung response ng people at nagustuhan nila ‘yung food. “I really enjoy managing the business, so sana tuloy-tuloy na ‘to,” pahayag pa ni Ms. Arianne.
DOVIE SAN ANDRES NAGKAROON ULIT NG INTERES SA PAGKANTA DAHIL KAY KERVIN SAWYER
VERY timely ang muling pagpa-practice sa singing ng controversial social media personality na si Dovie San Andres na next year ay handa nang pasukin ang pag-aartista at bibida sa indie movie na kanyang ipo-produce.
Yes, timing na habang binabalikan ni Dovie ang kanyang first love, ang pagkanta ay nagkaroon siya ng bagong kaibigan sa Facebook na si Kervin Sawyer na professional singer at may recording na kasama ang brother na si Kenneth. Na-touch raw si Dovie sa effort ni Kervin na mag-like sa kanyang mga posted photos sa FB, at idine-dicate pa sa kanya ang kanta nila ni Kenneth na SMS (“One Text Away” na mapapanood ang music video sa Youtube. Gandang-ganda si Dovie sa song na ito kaya’t parati na nitong sinusubaybayan ang activities ng Sawyer brothers na lumabas na sa iba’t ibang TV shows.
Nakapag-perform na rin sina Kervin at Kenneth sa Philippine Arena. Gustong suportahan ni Dovie ang Sawyer brothers dahil bukod sa close siya ngayon kay Kervin ay naniniwala siya sa talento ng nasabing duo.
BAKCLASH GRAND WINNER ECHO AT AJ SALAMANTE MAY SARILI NG SINGLE NA “BOOM SHALA”
WOW, ang galing talagang magbuild-up ng Eat Bulaga sa kanilang mga bagong talent. Matapos nilang bigyan ng break sa recording ang Music Hero at Broadway Boys ay binigyan nila ng pagkakataon ang mga dabarkad na sina Bakclash grand winner Echo at AJ Salamante at dalawa pang bakclash grand finalist na makapag-record ng danceable OPM na “Boom Shala” with matching music video pa ang mga bading.
Sosyal, nagsimula na ang stream nito sa Spotify at puwede niyo ring madinig at i-download ang Boom Shala sa Amazons at iba pang digital platforms. Well, parehong talented itong sina Echo at AJ kaya’t deserve ng dalawa na mabigyan ng ganito kalaking break.