‘NEW NORMAL’ BILL LUSOT NA SA KAMARA

Kamara

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 6864 o mas kilalang better normal for workplace, communities and public spaces act of 2020.

Sa ilalim ng naturang panukala, oobligahin na ang publiko na hangga’t may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maging bahagi na ng kanilang buhay sa mga susunod na taon ang pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing at temperature checks tuwing nasa pampublikong lugar.

Gayundin sa mga pampublikong pagtitipon, pagsakay sa mga pampublikong transportasyon, maging sa paaralan at trabaho.

Oras na maka-adapt na  sa new normal ang publiko ay posible nang maibalik sa normal na operasyon ang maraming negosyo.

Samantala, oras naman na maging ganap na itong batas ang sinomang  lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang dalawang buwan o pagmumultahin ng P1,000 hanggang P50,000 depende sa alituntunin na nilabag.

Sususpindehin naman ang mga lisensiya ng mga establisimyento na hindi susunod sa new normal habang ang mga opisyal naman ng gobyerno at empleyado na lalabag ay mahaharap sa mas mahigpit na parusa kung saan posibleng makulong ng anim na buwan at pagmultahin ng P50,000 hanggang P100,000.

2 thoughts on “‘NEW NORMAL’ BILL LUSOT NA SA KAMARA”

  1. 601201 325342Official NFL jerseys, NHL jerseys, Pro and replica jerseys customized with Any Name / Number in Pro-Stitched Tackle Twill. All NHL teams, full range of styles and apparel. Signed NFL NHL player jerseys and custom team hockey and football uniforms 49620

Leave a Reply

Your email address will not be published.