‘NEW NORMAL’ GUIDELINES SA SIMBAHAN: BAWAL MUNA ANG ABAY SA KASAL

CBCP-2

Nagpalabas ng guidelines ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa mga seremonya sa simbahan sa gitna nang unti unting pagbabalik sa tinaguriang the new normal.

Ayon sa CBCP, inalis na ang mga abay sa kasal at tanging ang papayagan lamang sa seremonya ay ang bride at groom, mga magulang nila, at ilang sponsors lang.

Nakasaad din sa mga bagong panuntunan na gagawin na sa labas ang confessions o pangungumpisal dahil ipinagbawal na rin na gamitin ang confessionals sa loob ng mga simbahan.

Kapag sa binyagan naman, tanging ang immediate family members lamang at isang pares lamang ng mga ninong at ninang ang papayagan sa seremonya.

Hinimok din ng CBCP ang mga tao na iwasang maghawakan ng kamay sa pag-awit at pagdarasal ng Our Father, gayundin sa pag-aantanda ng krus.

Para maobserba ang social distancing, maglalagay ng markers sa mga bench para mabatid kung kailangang pumasok na ng simbahan ang  mga magsisimba.

Sa komunyon naman, nanindigan ang CBCP na ilagay na lamang sa kamay ang ostia at sinabihan ang mga pari at lay ministers na mag-sanitize ng kanilang mga kamay bago at matapos ang pamamahagi ng ostia.

Comments are closed.