NEW OFFICE NG IMMIGRATION BINUKSAN SA MAKATI

NAKATAKDANG pasinayaan ang bagong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa isang mall sa Makati City.

Inanunsiyo ni BI Makati Chief Maria Rhodora Abrazaldo ang paglilipat ng BI Makati Extension Office sa dati nilang tanggapan sa J.P. Rizal Avenue at lilipat sa 5th level ng Ayala Circuit Mall simula sa Lunes, Abril 25.

Ang nasabing extension office ay makakatulong sa Top 1000 corporations sa Pilipinas na kabilang sa top performing BI offices sa nakaraang mga taon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang paglilipat sa kanilang tanggapan ay napapanahon dahil inaasahan nilang muling lalago ang negosyo kasunod ng pagluwag ng mga borders sa bansa.

“Foreign investors are expected to return now that we are transitioning to the new normal,” ayon kay Morente. “Hence we see the move to a bigger office as a necessary step to provide better service,” dagdag pa nito.

Bukod sa kanilang Makati Office, ang kanilang bagong tanggapan (BI Main Office) na matatagpuan sa Diosdado Macapagal Boulevard ay nalalapit na ring magbukas. PAUL ROLDAN