NEW PEATC CHIEF

Itinalaga kamakailan si Atty. Antonio Ariel E. Inton, Jr. bilang Interim Head ng Legal Department and Legal Corporate Affairs ng PEA Public Estates Authority Tollways Corp. (PEATC), isang government-owned and-controlled corporation, na namamahala sa operation, maintenance, at toll collection sa CAVITEX.

Ayon kay PEATC OIC-President, Atty. Dioscoro Esteban Jr., si Inton na ang Interim head ng Legal Department ng PEATC at siya rin ang manamahala sa lahat ng legal corporate affairs ng kumpanya.

Dating naninilbihan si Inton bilang Special Assistant kay Esteban, at  nakikipag-ugnayan sa mga mahahalagang movements ng mga kaso para sa PEATC partikular ang muling pagbawi ng gobyerno sa control ng toll collection sa CAVITEX para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

Kilala si Inton na supporter and follower at tagapagtanggol ng mga isyung may kinalaman sa proteksyon at karapatan ng mga mananakay at motoristang Filipino.

Dating konsehal sa Quezon City at dati ring member ng LTFRB Board, itinatag ni Inton ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), samahan ng mga abugadong nagbibigay ng pro-bono services sa mga Filipino citizens na nangangailangan ng libreng legal assistance sa mga isyung may kinakaman sa transportation sector.

JAYZL NEBRE