INIHAHANDA na ng Dagupan City ang bagong quarantine facility at iba pang hakbang para sa improvement ng vaccination rollout sa kanilang lugar upang kaharapin at pigilan ang Delta variant cases.
Sinabi ni Mayor Marc Brian Lim na ang gusali ng Bonuan Boquig National High School ay magsisilbing dagdag asquarantine facility sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19.
Aniya, makakabubuting bukod ang mga pasyente upang hindi magkahawa-hawa habang batay sa karanasan ay nais ng mga pasyente manatili sa Step Down Care.
“Those with mild symptoms and can afford their own medical treatment choose home quarantine. Hence, there will be more rooms in our quarantine facilities,” ayon kay Lim.
Naisaayos na rin ang centralized vaccination center para sa People’s Astrodome kasama ang City Library’s study center.
Upang maitaas ang human resources ay magha-hire ang lungsod ng mga bagong nurses.
Layunin ng hakbang ay mapabilis ang pagbabakuna sa lugar.
“The target given was 1,000 (vaccines) plus per day. With the improvement, we can do 25 percent to 30 percent more per day. Eventually, looking for the long term is to have two sites. We keep looking forward to how to improve our vaccination program,” ani Lim.
639309 887763This is a very exciting article, Im searching for this know how. So you realize I established your internet site when I was searching for sites like my own, so please look at my internet site someday and post me a opinion to let me know how you feel. 579481