NEW TECHNOLOGIES TAMPOK SA 2ND INTERNATIONAL ENGINEERING EXPO NG PICE

ITINAMPOK ang makabagong teknolohiya at inobasyon sa ginanap na 2nd International Engineering Expo mula Oktubre 29-31 sa SMX Convention Center sa Pasay City sa 50th National Convention and Technical Conference ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE).

Ibinida dito ang engineering technology and innovative solutions mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinabi ni PICE National President at DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain ang kahalagahan ng Engineering Expo bilang isang pangunahing plataporma para ipakita ang mga makabagong teknolohiya sa engineering.

Sa ilalim ng pamumuno ni Senior Undersecretary Sadain, matagumpay na inilunsad ang unang International Engineering Expo noong Hunyo sa PICE Mid-Year Convention.

Tampok din sa PICE ang 2nd PICE Infrastructure Forum noong Oktubre 29 kung saan nagtipon ang mga eksperto upang talakayin ang mga estratehiya para sa “Sustaining Resilient Infrastructure Development into the Future” laban sa mga hamon ng pagbabago ng klima, kakulangan sa mga mapagkukunan at mabilis na urbanisasyon.

Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita sina DPWH Senior Undersecretary Sadain, Dr. Kenichi Tsukahara mula sa Japan Society of Civil Engineers (JSCE), Professor Dong-Ho Choi ng Korean Society of Civil Engineers (KSCE), NEDA Assistant Secretary Roderick M. Planta, JICA Philippines Senior Representative Fukui Keisuke at World Bank Senior Transport Specialist John Kobina Richardson.

Ibinahagi ni Dr. Tsukahara ang mga pamamaraan ng Japan sa pagtitiyak ng matatag na imprastruktura sa mga disaster-prone na lugar habang si Professor Choi naman ay nagpakita ng mga estratehiya ng South Korea sa urban resilience.

Tinalakay ni Assistant Secretary Planta ang mga inisyatiba ng pamahalaan sa green building at climate resilience.

Samantala, nagpapatuloy ang suporta ng JICA sa Pilipinas ayon kay  Fukui Keisuke.

Ang 2025 National Board ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang sektor na nagpapakita ng pangako ng PICE sa pagiging inklusibo at pagkakaiba-iba.

Ang mga nahalal na miyembro ay sina: Frederick Francis M. Sison, President; Nerie D. Bueno, President-Elect; Florencio F. Padernal, Vice President; Mylene Nonette M. Zamora, Secretary; Mark Dale Diamond P. Perral, Treasurer; Basir M. Ibrahim, Business Manager; Cary H. Beatisula, Public Relations Officer; Michael J. David, Auditor; Juby D. Cordon, G. Khadaffy Tanggol, Anthony Jovil M. Gonzalodo, Dimasira D. Macabando, Mark Vincent Y. Nodado, Saniel L. Raypon and Aure Flo A. Oraya, Directors and Emil K. Sadain, Immediate Past President.

RUBEN FUENTES