NEW YEAR CELEB GENERALLY PEACEFUL

Ildebrandi Usana

BAGAMAN naitala ang pagpaputok ng isang police woman at ulat na may naligaw na bala sa Pangasinan, nanindigan ang Phi­lippine National Police (PNP) na pangkalahatang mapayapa ang pagsalubong sa 2021 ng mga Filipino.

Sa panayam kay PNP Public Information Office chief, BGen. Ilbrandi Usana, generally peaceful ang selebrasyon para sa Bagong Taon ng mamamayang Filipino sa buong bansa.

Gayunpaman, inamin nito na isang babaeng pulis ang nagpaputok sa Malabon habang naitala ang stray bullet sa Dagupan.

“A policewoman in Malabon was arrested for indiscriminate fi­ring while in Dagupan a person was hit by a stray bullet,” ayon kay Usana.

Giit naman ng hene­ral na isolated lamang ang dalawang indiscriminate firings lalo na’t sa kanilang record ay walang gaanong hindi kaaya-ayang insidente kumpara sa nakalipas na taon.

“Firecracker-related incidents was not as many as those reported in the past years,” ayon pa kay Usana.

Magugunitang sa huling press conference ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas para sa taong 2020 noong Disyembre 21 ay sinabing wala nang muzzle taping alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag naman ni Director for Operations, Maj. Gen. Alfred Corpus na ang nakalipas na New Year celebration ang ikatlong taon na hindi nagbubusal ng mga service firearm dahil alam ng mga pulis ang kanilang tungkulin na gagamitin ang lamang ang kanilang sandata sa tawag ng trabaho. EUNICE CELARIO

Comments are closed.