NEW YEAR, NEW HOME DESIGN TIPS SA PAGDEDEKORASYON NGAYONG TAON

HOME DESIGN

HINDI lamang kapag may okasyon o pagdiriwang nag-aayos ng tahanan ang bawat isa sa atin. Sa tuwing magpapalit din ang taon ay nag-iisip tayo ng magagandang dekorasyon o design na puwedeng subukan na magpapaganda sa ating paningin at pakiramdam. Lagi’t lagi rin nating ibinabatay sa mga sinasabing nagbibigay suwerteng design at kulay ang pagpapaganda ng ating tahanan.

Mahilig nga naman kasi sa pamahiin ang marami sa atin. Kumbaga, kung ano iyong sinasabing suwerte sa nasabing taon, iyon ang gagawin o nagi-ging gabay.

Kunsabagay, wala namang masama ang mahilig o ang sumunod sa pamahiin basta’t sa ikagaganda naman ito ng iyong buhay at bahay.

At sa mga nagpaplanong pagandahin o ayusin ang kanilang tahanan ngayong 2019, narito ang ilan sa tips na maaaring subukan:

KULAY NA PATOK NGAYONG 2019

HOME DESIGN-1Isa ang suwerteng kulay sa inaalaman natin kapag magpapalit ang taon. Hindi lamang sa kasuotan natin ito ginagamit kundi maging sa pagdedekora-syon at pagpapaganda rin ng ating mga tahanan.

Hindi nga lang naman kasi patok na kulay sa kasuotan at kagamitan ang pinag-uukulan natin ng pansin kundi maging ang maganda at patok na pin-turang maaari na­ting pagpilian lalo na kung nag-aasam tayong baguhin ang kulay ng ating tahanan.

Kaya naman, sa mga nag-iisip ng magandang kulay ng pintura na patok ngayong taon, ilan sa maaaring subukan ang French vanilla, aqua mint at or-ange.

Ang french vanilla ay cream na may touch ng kulay dilaw. Mai­nam ang ganitong kulay upang lumaking tingnan dahil sa taglay nitong kakayahang mag-illuminate sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ‘sense of sun’ sa isang silid. Ang dilaw kasi ay associated sa sun o kakulay ng araw.

Maganda rin gamitin ang nasabing kulay sa newborn rooms. Gayundin sa kitchen at dining rooms dahil ang cream ay associated sa pagkain.

Bukod sa French vanilla, isa pa sa mainam gawin ang Aqua mint. Matatawag nga namang ‘color with supoer powers’ ang nasabing kulay. Nakatu-tulong kasi ang Aqua mint na kulay upang ma-relax ang isang tao. Bukod sa nakapagpapa-relax ito, positibo rin ang nasabaing kulay kaya’t tamang-tama lang siyang piliin.

Konektado rin ang nasabing kulay sa inner self, vitality, enthusiasm at pagbabago. Nakapagpapababa rin ito ng blood pressure.

Kaya kung laging stress at mainit ang ulo, piliin o subukan ang Aqua mint. Hindi rin naman kailangang buong bahay ang pipinturahan ng ganitong kulay. Kahit isang lugar lang ay swak na.

Orange ang isa pa sa maaari nating isa­alang-alang na kulay sa pagpipintura ng ating tahanan.

Matatawag na ‘most welcoming at all’ ang kulay orange. Mas sociable rin ang nasabing kulay.

Kung nag-iisip ng lugar na lalagyan o pi­pinturahan ng ganitong kulay, swak na swak ang dining room at living room. Mainam din itong samahan ng colorful patterns, tan leathers at natural wood.

FLORAL FABRIC AT WALLPAPERS

HOME DESIGN-2Wallpapers ang isa sa hindi nawawala sa trends. Madali lang naman kasi itong gawin at napakarami pang choi­ces.

Abot-kaya lamang din ito sa bulsa. At kung magsawa ka man, madali lamang din itong palitan.

Pero bukod sa wallpapers na laging in na in kapag dekorasyon o pampapaganda ng tahanan ang pinag-uusapan, mainam din ang paggamit ng floral fabrics.

Tradisyunal nga naman at walang makatatalo sa ganda ng floral patterns kaya’t tiyak na magdaragdag ito ng tingkad at kaaya-ayang pakiramdam sa makakikita.

HANDMADE PIECES

Magiging swak din at kahihiligan ng marami ngayong taon ang mga handmade pieces na gawa sa sustainable materials.

Pagdating nga naman sa handmade pieces, napakarami nating puwedeng pagpilian.

Maganda rin ito para maalala natin at mapa­natili sa ating puso ang ating pinanggalingan o pinagmulan.

MIXED METAL ACCENTS

HOME DESIGN-3Hindi rin naman mawawala ang mixed me­tal accents ngayong 2019. Kunsabagay ang mga ga­nitong accents nga naman ay maganda sa paningin. Nagiging feeling cozy rin ang isang lugar.

Lahat naman tayo ay mayroong kanya-kanyang ideya kung paano pagagandahin ang isang tahanan o silid. Ano pa mana ng dekorasyon o design na gawin natin—makiuso man tayo o hindi—nasa sa atin pa rin ang pagpapasya.

Hindi rin naman kasi kailangang sumunod tayo sa uso. Dahil sa pag-aayos at pagpapaganda ng ating tahanan, isa lamang ang rule na kailangang sundin—at iyan ay ang pagiging komportable at ligtas ng pamilyang nakatira roon.

Comments are closed.