NEW YEAR = NEW LIFE

doc ed bien

As the wise saying goes, “A little knowledge is a dangerous thing.” ‘Yun mismo ang nangyayari sa ating mga kababayan taon-taon – na nag-aaksaya ng pera at buwis buhay. Nagbibilang ang DOH ng napuputulan ng kamay, nabubulag o dili kaya’y namamatay dahil sa paputok.

Kung tatanungin mo ang mga kababayan nating matitigas ang ulo kung bakit sila nagpapaputok ay sasagot ng, “Kaugalian ito ng mga Chinese para umalis ang malas.”

NEW YEAR-2Ganu’n? Suwerte ba ‘yung mga nabibiktima ng paputok?

Nakakita na ba tayo ng mga mansion ng Chinese na kasama sa natupok? Nakakita na ba tayo ng 300+ na Chinese na naputukan at pumipila sa mga government hospital?

Wala. Kasi ang suwerte, at kalusugan nila ay hindi galing sa maling superstisyon ng paputok. Galing sa sipag at paghahanapbuhay. Sabi nga sa Chinese feng shui, “Mga Filipino handa New Year puro bilog prutas, kaya puro barya lang dating. Kami handa malagkit para pera kapit.” ‘Yun na.

DON QUIXOTE SYNDROME

Si Don Quixote ay isang fictional character mula España na sinulat ni Miguel de Cervantes. Maganda naman sana ang mga layunin niya at may katangian ng isang magiting na knight. Pero lahat ng kaniyang pinaniniwalaan ay exaggeration ng mga nari­rinig niyang haka-haka. Ganu’n ang mga ugaling Pinoy tuwing bagong taon.  Tumatalon para tumangkad daw.

Eh ‘di sana wala ng pandak sa atin. Nagsusuot ng damit na may mga bilog para dumami ang pera – kahit magmukhang clown sa perya. Wala naman daw mawawala kung maniniwala.

Mayroon. Dignidad. At pagmulat sa katotohanan. Nagsusunog ng gulong sa kalye para raw maliwanag ang buong taon. Talagang maliwa­nag dahil ‘yung mga ina­atake ng asthma, bronchitis, at COPD ay sa ICU ng hospital dederetso kinabukasan.

NEW YEAR-4NEW YEAR’S RESOLUTION

Heto na naman tayo. Mangangako ngayong Enero ng mga ipapako pagdating ng Pebrero. Alam n’yo bang ito ang ginagamit na psychology ng mga slimming salon at mamahaling gym? Magbebenta sa atin ng 1-year membership with bonus of unlimited use ng kanilang facilities at kukuwentahan tayo ng divided by 12 months.

Lalabas tuloy na less than P1,000 lang per month. Kayang pag-ipunan kanyo. Parang nagpa-load lang. Alam kasi nilang pagkatapos ng Valentine’s day ay >50% ang malalagas sa gumagamit ng kanilang pasilidad. Pagdating ng March ay <10% na lang ang nag-aavail ng promised bonuses.

Narito ang ilan sa pangakong napapako:

  • PAGBABAWAS NG TIMBANG AT PAGIGING FIT – Nangu­nguna ito dahil mas madaling ngumuya kaysa mag-ehersisyo. Tanggapin man natin o hindi, wala sa ating kultura ang magpalaki ng katawan. Ang paboritong dahilan ng mga kalalakihan ay, “Ang tunay na macho walang abs.” Sige toma na lang tayo!
  • PAGTIGIL SA BISYO GAYA NG SI­GA­RILYO. Madali nga namang sabihing tumigil sa paninigarilyo ngunit mahirap namang gawin.

Hindi rin kasi basta-basta ang pagtigil sa bisyo lalong-lalo na ang paninigarilyo dahil hindi lamang simple o ordinaryong tao ang nahihilig nito.

Gayunpaman, kung gusto talaga may paraan at hindi puro dahilan. Pero kahit na may pa­raan, isa pa rin ang resolution na ito sa hindi natutupad o nagagawa ng marami.

  • PAG-AARAL NG BAGONG KAALAMAN – Mag-eenroll daw sa language school gaya ng Japanese or French para mas edukado pakinggan. Teka huwag na lang, mas mura sa YouTube. Ayun sa kakapindot ko sa YouTube sites ang galing ko nang magsalita ng Beki. Getsing mo mag-ispluk? Tarush!
  • KUMAIN NG HEALTHY NA PAGKAIN. Mag-eenroll daw sa cooking school para mas healthy angNEW YEAR-3 kakai­nin ng pamilya. Kalagitnaan na ng taon ay puro fast food pa rin ang kinakain. Mas madali kasi ang magpa-home delivery ng burger o pizza at softdrinks. No wonder tumataas ang obesity at diabetes sa mga edad 20 pababa.
  • Get Out of Debt and Save Money – Goodluck! May sakit ta­laga tayo na shopping addiction. Paano ka naman makatatakas sa utang eh may libreng pamigay na payong ‘yung nagtutulak sa atin ng credit cards sa mga mall? Sasabayan pa ng 70% OFF sa paborito mong shop kahit ang ibi­nibenta nila ay tira-tira na last Christmas. Kahit nakabalumbon ang mga damit ‘kala mo galing sa Yolanda. Sige halukay pa!
  • PAGLALAAN NG PANAHON SA PAMILYA – Magkakasama nga kayo kumain sa restaurant, sabay-sabay naman nakababad sa kani-kaniyang cellphones. Sa pamilya ko mismo, may hindi makausap ng matino kasi busy sa COC. May addict sa Instagram at FB. May naka-headphone kasi naka-Spotify. Ako ang pinakamalas – ‘yung phone ko may antenna at de-pindot pa.
  • MAGLIWALIW SA IBA’T IBANG LUGAR – Masarap ang makarating sa iba’t ibang lugar o panig ng bansa. Pero madalas ay problema ng marami ang pera. Kaya isa rin ito sa resolution na laging hindi natutupad.
  • Drink Less – May kasabihan, “In heaven there is no beer, kaya we drink it here.” O sige na nga para iwas cirrhosis. Pulutan na lang. Rayuma kinabukasan.
  • UMIWAS SA MATINDING STRESS – Isa pa ang pag-iwas sa matinding stress ang kasama sa New Year’s resolution ng marami sa atin. Kabi-kabila ang nadarama nating stress sa buhay at trabaho. Marami sa atin ang hindi ka­yang i-handle ang stress.

Subukan. Gumawa ng paraan gaya ng pag-eehersisyo o pagyo-yoga nang ma-relax. At para na rin ngayong taon, masunod o matupad ang iyong New Year’s resolution at hindi lamang ito napapako. (Photos mula sa google)

*Quotes

“Be at war with your vices, at peace with your neighbors, and let every New Year find you a better man.”   – Benjamin Franklin

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien wellness specialists. God bless dear readers!

Comments are closed.