FORMER member of an all-girl dance group GirlTrends who transferred to Kapuso Network last year looks like she’s doing well in her new project, Dahil Sa Pag-ibig, an afternoon dramaserye.
Kelly Day was officially introduced on March 22 as one of the newest talents of GMA Artist Center.
Inamin niya na talagang kabado siya sa kanyang paglipat, pero, nawala lahat ng kanyang agam-agam dahil mainit siyang tinang-gap ng Artist Center, with open arms, ika nga. Inakala raw niya na magiging mahirap dahil galing siya sa kabilang network, pero hindi niya naramdaman na parang isa siyang stranger, mababait daw lahat noong ipakilala siya.
“It was such a smooth process everyone was just so kind,” sabi ni Kelly.
Inamin niya rin na ang talagang rason ng kanyang paglipat at dahil gusto niyang subukan ang mag-solo.
“Kasi I’m known as GirlTrends Kelly. I want to be known as Kelley Day,” sabi niya.
Nagpapasalamat naman si Kelley sa dati niyang network na nagbigay sa kanya ng opportunity para makapasok siya sa showbiz sa loob ng mahigit na isang taon.
Hinawakan siya ng Star Magic at nakapag-perform bilang aktres, model at as a musician. Talagang aktibo na siya sa pagmo-modelo kahit noong anim na taong gulang pa lamang siya.
Kelly was born in Dubai, United Arab Emirates but she is half-Filipino and half-English and she says she would like to relate to those who are also like her, “half-half.”
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit sa daang libo ang kanyang followers sa kanyang Instagram account.
The mestiza beauty also confessed ang clarified that her moving to Kapuso is not because of her break-up with Kapamilya ac-tor Iñigo Pascual whom she dated for some time.
“Not at all. Were actually really good friends still. Our break-up was very mutual. We just want to focus on ourselves,” Kelly said.
Since her transfer to Kapuso, Kelly has appeared in several shows like the Kapuso primetime series The One That Got Away, and now, she is slowly getting the ire of Sanya’s followers for being her kontrabida in Dahil Sa Pag-ibig, where she plays Pancho Magno’s girlfriend. And Pancho is obsessed with Sanya na nag-alok ng tulong para sa asawa ni Sanya played by Benjamin Alves na nakulong sa Saudi Arabia. Abangan ang mga nag-iinit nang eksena ng Dahil Sa Pag-ibig.
‘DAHIL SA PAG-IBIG’ CAST MAY TOUCHING MESSAGES PARA SA MGA OFW
SAMANTALA, patok agad sa manonood ang latest soap ng GMA na Dahil Sa Pag-ibig. Ang kuwento kasi nito ay hindi tipikal na other woman o ‘di kaya’y betrayal sa pagitan ng mag-asawa, kundi nais ng programa na ibahagi ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga kababayan natin na OFW dala ng pagkakawalay nila sa kanilang pamilya.
Kaya naman sa isang video na ipinost ni Benjamin Alves na gumaganap bilang si Eldon, kinilala ng cast ang mga magigiting na OFW sa pagbabasa ng ilang touching messages ng mga naiwan nilang mahal sa buhay sa Filipinas.
Isang heart-warming advice ang iniwan ni Tetchie Agbayani na gumaganap bilang ina ni Eldon, “Always tell your loved ones how much you love them and always keep in touch with them.”
STARSTRUCK HOSTS AND COUNCIL NAMED
OPISYAL nang inanunsyo ng GMA 7 ang magiging hosts at council ng upcoming Season 7 ng original reality-based artista search.
Pangungunahan pa rin ng original host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagho-host sa Starstruck. Makakasama niya ang award-winning actress at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng programa.
Maraming netizen naman ang nagpakita ng suporta at excitement para sa mga pinangalanang council members na kinabibilangan nina Kapuso Sweetheart and Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, EB Dabarkads Jose Manalo at batikang aktres at kontrabida na si Cherie Gil.
Sabi pa ng isang Facebook user na si Ahndy Tabon Adolfo, “I love the council this season plus the hosts! Great choices!” Pakatutukan ang matitinding challenges na pagdadaanan ng new Starstruck hopefuls ngayong Hunyo na! Mga Kapuso, maghanda na, maki-“Dream, Believe, Survive!”