CAUAYAN CITY- PINANGUNAHAN ni SM Foundation for health and medical program na si Connie Angeles ang pagturn-over ng bagong renovated na Brgy. Health Center sa Distrito 1 ng nasabing lungsod.
Ayon sa SM foundation, layunin na mapakinabangan ang nasabing pasilidad upang hindi na kailangan lumayo ang mga taga barangay upang magpakonsulta at may maayos na pasilidad.
Nabatid na ang lalawigan ng Isabela ay mayroong dalawang Brgy. health center na naipaayos na ng SM foundation at bukas ang tanggapan nito sa maaring ka tie up nila upang maisaayos pa ang mga brgy health center. IRENE GONZALES