BIBILI ang National Food Authority (NFA) ng mas maraming palay sa local farmers sa 2025 sa gitna ng pagtataas ng pamahalaan sa buffer stock target nito sa 15 araw mula 9 na araw.
Ang buffer stock ay ang optimal level ng rice inventory na dapat panatilihin sa anumang partikular na panahon na gagamitin para sa emergencies at upang maipagpatuloy ang disaster relief programs ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
Sa isang statement, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na kampante siya na makakamit nila ang kanilang nationwide procurement goals sa kabila ng mga inaasahang hamon.
“I believe that with the help of everyone, kayang-kaya natin ito. Kahit maraming challenges, panatag ang NFA (We can do this. Despite the many challenges, the NFA is confident for) this year and moving forward,” aniya.
Kabilang sa mga hamon na kanyang tinukoy ay ang pagpapalabas ng biniling NFA rice stocks, ang warehouse capacity para sa tinaasang buffer stock,at ang inaprubahang budget sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
Para sa 2024, sinabi ni Lacson na ang NFA ay nakabili ng 95 percent ng 300,000 metric tons (MT) target procurement nito.
“Only after the NFA issued its rice stocks from its warehouses could the agency procure from the local farmers,” aniya.