NFA AGRESIBO SA PALAY PROCUREMENT

NFA-6

NAGSIMULA nang mamili o manguha ang National Food Authority’s (NFA) provincial office ng palay sa pagsisimula ng pag-aani na mataas sa huling linggo ng Setyembre hanggang Oktubre.

Sinabi ni Marianito Bejemino, NFA-Antique manager, sa isang pana­yam na agresibo ang kanilang pamimili ng palay sa mga magsasaka bilang pagsuporta sa kanila at paniniguro na magkakaroon ng sapat na stock at seguridad sa pagkain sa probinsiya.

“As of now, the NFA is able to procure an average of 500 bags of palay per day but we expect that this would increase during the peak of the harvest time,” ani Bejemino.

Sinabi niya na umaasa sila na makabibili ng halos 1,000 sako ng palay bawat araw sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre at Ok-tubre kung kailan mas maraming magsasaka ang makapag-aani.

Napansin niya na ang buying price ng NFA ay nasa PHP17 bawat kilo dagdag ang insentibo para sa farmer’s cooperative o as-sociation at transportation.

“We have been assured by the NFA Central Office that there will be enough funds for the palay procurement program,” sabi ni Bejemino.

Sinabi niya na ang  NFA ay tumutulong sa mga magsasaka na makapagpatuyo ng kanilang palay ng tamang halaga na PHP38 bawat 50 kilo.

“We have six drying facilities at the NFA,” he said, adding that the drying facilities at the NFA warehouse in San Jose de Bue-navista are accepting farmer’s produce.

“The charge for the drying facility use is comparable when farmers do the sun drying with the cost of labor now,” sabi niya.

Dagdag pa niya na ang mga magsasaka ay puwedeng makipag-coordinate sa kanilang municipal agricul-ture officers o humingi ng sertipikasyon sa kanilang barangay captain, na siyang makapagpapakita sa NFA ng pagpapatuyo ng kanilang palay.   PNA

Comments are closed.