BANTAY-SARADO ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng mga presyo ng bigas matapos magbigay ng SRP para rito.
Tuloy sa pag-iikot ang mga tauhan ng DTI, DA, pulis at NFA sa mga palengke para masigurong sumusunod ang rice retailers.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, sa mga hindi susunod dito magbibigay muna sila ng written warning.
Pero kapag patuloy na lumabag at hindi sumunod, kanselasyon na ng permit at pagmumultahin na ang rice retailer.
Sa ngayon, 37 pesos ang dapat na presyo para sa regular rice, 44 pesos sa well milled rice at 47 para sa special rice.
Naglagay rin ng color coding para sa mga variety ng bigas:
Puting label sa regular at well milled rice, dilaw sa premium grade, at asul sa special rice.
Bukod sa nagtitinda, binabantayan din ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar kung saan matatanggal sa puwesto kapag hindi nagagampanan ang kanilang tungkulin.
Maaari namang magsumbong ang publiko sa hotline na 0906-4633133 kung may makitang hindi sumusunod sa tamang presyo ng bigas.
Ilagay lamang ang lokasyon ng tindahan, pangalan ng nagtitinda, para agad mapuntahan ng mga awtoridad at mapanagot sa paglabag.
Comments are closed.