PAPALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino makaraang hilingin ng huli na alisin na siya sa puwesto.
Ang kahilingan ni Aquino na ma-relieve sa puwesto ay inanunsiyo ni Pangulong Duterte sa ginanap na tete-a-tete kasama si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa Malakanyang kahapon.
“Jason Aquino requested that he be relieved already. He said he is tired he could not cope up with the ‘game’ inside, which is an ordinary happening (there). He cannot be in agreement,” wika ng Pangulo.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, mayroon na siyang napupusuang pumalit kay Aquino subalit hihintayin lamang niya itong magretiro.
Magugunita na mahigpit ang panawagan ng mga mambabatas na sibakin na si Aquino makaraang dumanas ng rice crisis ang ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na irerekomenda niya sa Kongrerso ang pagbuwag sa NFA dahil sa kabiguang gawin ang kanilang mandato.
Nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng hindi bababa sa 60 araw ang buffer stock ng bansa upang matiyak na may sapat na suplay ng bigas.
Pabor din ang Pangulo na magkaroon ng karagdagang rice importation kung sakaling hindi pa rin magiging sapat ang suplay ng bigas sa darating na mga panahon. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.