Inaprubahan ng National Food Authority (NFA) Council, ang pagbebenta ng mga luma subalit puwede pang kainin na mga buffer stocks na bigas ng NFA sa halagang P29 kada kilo na para lamang sa vulnerable sectors na tulad ng persons with disabilities, solo parents, senior citizen at indigenous peoples.
Ang naturang mga bigas ay mabibili lamang sa limitadong panahon sa mga Kadiwa network stores ng DA, ayon kay DA Secretary Tiu-Laurel.
Bagamat ang bentahan ng naturang NFA rice ay bahagyang mahal kumpara sa dating ibinebenta nito na P25 per kilo, malaki pa rin ang diskwento at mura kumpara sa mga bigas na nabibili sa kasalukuyan sa merkado, ayon sa kalihim.
“It is nonetheless a very deep discount to prevailing market price to ensure that poverty-stricken Filipinos have access to their main food staple. The NFA selling price was raised to moderate government subsidy for the program,”paliwanag ni Tiu-Laurel.
Ayon kay Tiu-Laurel ang naturang murang bigas na ito sa ilalim ng low-priced rice program ng pamahalaan, ay inaasahang makakatugon sa minimum basic needs ng individuals na nasa poverty threshold o mga mahihirap.
“This program primarily aims to provide rice at an affordable price of P29 per kilo for the vulnerable sectors of society,” sabi niya.
TInaguriang “Bigas 29,” ang naturang programa ay inaasahang pakikinabangan ng vulnerable sectors tulad ng persons with disabilities, solo parents, senior citizens at indigenous people.
Sila ay mula sa 6.9 million households o mahigit kumulang 34 million Filipinos.Paliwanag ni Tiu-Laurel bawat benepisyaryong household o pamilya ay maaaring bumili ng 10 kilos kada buwan.
Mahigit kumulang 69,000 metric tonelada na suplay ng bigas para sa naturang sektor ang kinakailangan.
Nagsimula nang mag- dry run o subukang ibenta ng KADIWA Quezon City ang mga naturang bigas sa P29 kada kilo lamang.
“A dry run of the cheaper rice program is already underway in select KADIWA centers, and has been well-received by potential beneficiaries,”sabi ni Tiu-Laurel.
Sinabi pa nito na ang “Bigas 29” ay ipinangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa programa dahil ang basic commodities aniyang ibinebenta nito ay abot kaya at madaling mapuntahan ng mga mahihirap na Filipino di tulad ng matataas na bigas sa merkado.
Giit ni Tiu Laurel, ang inaprubahang ito ng NFA Council ay maipatutupad bagamat ang procurement cost, at selling price, ay aabutin ng social cost sa pagitan ng P1.39 billion at P1.53 billion kada buwan.
Upang matiyak na maisasakatuparan ang programa, mag-iimport ang DA ng 363,697 metric tons ng bigas upang madagdagan ang buffer rice. Ito ay bagamat lugi aniya ang mga naturang ahensya.
MLUISA M GARCIA