IBABALIK ng National Food Authority (NFA) sa kanilang dating 10 porsiyento partisipasyon sa merkado mula sa kasalukuyang 20-porsiyentong price margin sa pagitan na ibinebentang bigas ng NFA at ng commercial traders ay maliit na lamang ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.
Sinabi ni Piñol na ang implementasyon ng suggested retail price (SRP) scheme sa bigas na itinitinda sa merkado ay bumaba sa presyo na mula sa mataas na P70 bawat kilo at hindi bababa sa hanggang P43 bawat kilo.
Dahil dito, sinabi ni Piñol na ang bigat para makabenta ng mas abot-kayang presyo ng bigas sa NFA ay nabawasan na.
“Unlike before, where so much pressure was placed on the NFA rice stocks because of the huge difference in prices between commercial rice and NFA rice, right now the NFA could just limit market participation to 10 percent because of availability of cheap rice,” pahayag niya sa isang panayam.
Sinabi rin ni Piñol na may mga maagang indikasyon na patungo pa sa lalong pagpapababa ng SRP sa bigas sa loob ng isang buwan.
“There are already indications that after the 1st month maybe, we may have to review the SRP and we may even bring the prices down,” sabi niya.
Iniutos ng NFA Council nitong nakaraang buwan ng pagtaas sa ahensiya ng partisipasyon sa merkado mula sa 10 porsiyento hanggang 20 porsiyento para matugunan ang inflation sa pamamagitan nang pagsasagawa ng paraan para maging abot-kaya ang presyo ng bigas na mabibili sa merkdao.
Sinabi ng agriculture chief na ang mga negosyante at mga nagtitinda ay hindi makikinabang sa pagbawi ng NFA rice market participation rate dahil sa SRP.
Sinabi ni Piñol na ang commercial rice retailers ay hindi puwedeng tumaas pa sa SRP dahil mahaharap sila sa malaking pagmumulta at kasama pa rito ang pagbawi ng kanilang lisensya at iba pang monetary sanctions.
“Traders and even big-time retailers adjusted the selling prices of rice when they felt that the supplies were limited, especially during the lean months of June, July and August,” lahad niya sa isang Facebook post.
“This was precisely what happened this year, when the absence of the government-subsidized rice sold by the NFA in the market resulted in a spike in the prices of commercial rice, both local and imported,” dagdag niya. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.