NILINAW ni National Food Authority OIC administrator Tomas Escarez na hindi kontra ang NFA management sa rice tariffication.
Tugon ito ni Escarez sa mga hindi nagustuhan ang pagliham nila sa mga mambabatas na naggigiit na i-veto ang ilang probisyon ng Rice Liberalization na bersiyon ng Senado noon.
Ayon kay Escarez, nagbigay lamang sila ng opinyon patungkol sa regulatory functions ng NFA sa domestic grains industry at sa depinisyon ng buffer stock na nakalimita lamang sa pagbibigay ayuda sa panahon ng kalamidad at emergency situation.
Kung matanggal kasi aniya ang regulatory functions ng ahensya, malayang makapang-abuso ang mga trader sa bentahan ng pagkaing butil at lilikha ito ng kaguluhan.
Pero, ngayong ganap na itong batas, nakatuon na aniya ang pansin ng NFA management sa transition ng ahensya mula sa pagiging food security and stabilization agency patungong buffer stocking agency.
Comments are closed.