IPINAHAYAG ng National Food Authority (NFA) noong Martes na iginawad nila ang kontrata para sa importasyon ng 250,000 metriko tonelada (MT) ng bigas sa limang mangangalakal mula sa Southeast Asia.
Sinabi ng NFA na sa total 19 suppliers na sumali sa isang tender noong nagdaang buwan, 13 lamang ang pumasa sa eligibility at technical requirements.
Sa 13 na nag-alay ng bids, lima ang mga sumunod at pumasa sa post-qualification evaluation ng espesyal na NFA special bids and awards committee para sa supply ng 250,000 MT ng bigas.
“These are: Thai Hua (2511) Co., Ltd. for the supply of 75,000 MT; Capital Cereals Co. Ltd. for 43,000 MT; Asia Golden Rice Co., Ltd. for 58,500 MT; Ponglarp Co. Ltd. for 36,000 MT; aT Olam International Limited for 37,500 MT,” sabi niya sa isang panayam..
Maliban sa Olam International na nakabase sa Singapore, ang ibang supplier ay galing sa Thailand, ayon sa NFA.
“The five companies issued with Notice of Award will be required to post a Performance Bond within 7 days,” sabi pa.
“Preparation of contracts will also be done during this period for those who will be able to comply with the requirements. Issuance of Notice to Proceed will be given only after the posting of performance bond and signing of contracts,” dagdag pa.
Sinabi pa ng NFA na ang bulto ng volume o 200,000 MT ay nakatakdan dumating sa bansa na ‘di lalagpas sa Hulyo 31, 2018, habang ang natitirang 50,000 MT ay dapat na mai-deliver ng hindi lalagpas sa Agosto 31, 2018.
Ang kabuuang volume ay hinati-hati sa pitong lote na may katumbas na discharge ports sa Luzon, Visayas at Mindanao para maayos ang distribusyon sa mga merkado at intended beneficiaries, ayon sa NFA.
“Designated discharge ports are: Poro Pt. in La Union, Batangas, Subic, Tabaco, Iloilo, Bacolod, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Cagayan de Oro, Surigao, Gen. Santos City, Davao City and Manila,” sabi pa.
Samantala, sinabi ng NFA na wala silang plano para muling mag-angkat ng bigas sa ngayon.
“NFA administrator Jason Aquino said the agency will first focus on the immediate presence of NFA rice in the markets, as imports arrive, to possibly pull down and stabilize rice prices,” pahayag ng grains agency. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.