ITINIGIL na ng National Food Authority (NFA) Council ang pag-iimport ng premium rice o tinatawag ding fancy rice na ibinebenta sa merkado ng mga negosyante sa sobrang taas na halaga.
Ito ay makaraang irekomenda ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa NFA Council na itigil na ang importasyon ng fancy rice gaya ng jasmine variety mula sa Thailand na ibinebenta sa merkado ng hanggang 60 pesos kada kilo.
Binigyang-diin ni Piñol na maraming importers ang hindi nagdedeklara ng tama sa inaangkat na premium rice para makaiwas sa pagbabayad ng mataas na taripa at pagkatapos ay ibebenta pa ng mahal ang naturang mga produkto.
Sa inaprubahang resolusyon ng NFA council, tanging ang 25 percent broken rice na lamang ang puwedeng angkatin ng gobyerno at mga rice trader.
Comments are closed.