NFA KUMPIYANSA SA 7.78-B TARGET NA SAKO NG PALAY

nfa

IKINATUWA ng National Food Authority (NFA) ang pagdami ng mga magsasaka sa bansa na nagbebenta ng kanilang aning palay sa ahensya.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escares, nitong nagdaang Enero, umabot ng nasa 150,000 sako ng palay ang kanilang nabili sa mga magsasaka sa bahagi ng Mindanao.

Ito ay bunsod ng mas inaalok ngayon ng mga magbubukid sa ahensiya ang kanilang mga naa­ning palay dahil sa P20.70 centavos ang bilihan ng NFA kada kilo ng palay.

Napag-alamang nadagdagan ng P3.70 centavos mula sa dating P17 ang bilihan ng palay kada kilo bilang insentibo sa mga magsasaka.

Matatandaang noong 2017 at 2018, nahirapan ang NFA na hikayatin ang mga magsasaka na ibenta sa kanila ang a­ning palay dahil sa P25 ang bentahan sa kanila ng mga rice trader.

Samantala, kumpiyansa naman ang NFA na kanilang makakamit ang inaasam na target na 7.78 bilyong sako ng palay na mabibili sa mga magsasaka ngayong 2019. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.