NFA NAKAPAGPA-BID NA NG 500K MT NG BIGAS

INANUNSIYO ng National Food Authority (NFA) kama­kailan na tagumpay silang nakapagpa-bid ng 500,000-metriko tonelada (MT) ng rice importation contract sa limang Asian firms na nakatakdang mag-supply ng total volume.

Sinabi ni NFA Deputy Administrator Judy Carol Dansal na ang ahensiya ng pagkain ay “masaya” sa naging resulta ng bidding, na ayon sa kanya ay “very successful.”

Isinagawa ang bidding sa pamamagitan ng open tender na may 14 na compliant traders at companies.

Nakatalagang mag-supply  ang Singapore-based Olam International Ltd. ng karamihan ng 500,000-MT ng rice imports matapos nitong gumawa ng pinakamababang alok sa four lots na may total na 210,000 MT.

Nag-pitch ng pinakamababang bid ang Vietnamese firm Tan Long Group Joint Stock Company para sa Lot 2 ng $459 bawat MT para sa total volume na 118,000 MT na ididiskarga sa Subic port.

Puwedeng makase­guro ang Myanmar-based Shwe Wah Yaung Agriculture Products Co. Inc. ng Lot 4 para mag-supply ng 40,000 MT patungong  Tabaco sa kanilang alok na  $418.65 bawat  MT.

May pinakamababang bid ang Thai firms Asia Golden Rice Co. Ltd. para sa Lots 6 ($458 per MT) at  7 ($439.75 per MT) na may total volume na 99,000 MT habang ang  Thai Capital Crops Co. Ltd. ay puwedeng makaseguro ng Lot 8 (45,000 MT) para sa kanilang alok na $439.75 bawat  MT.

Puwedeng makapag-save ng ilang $14.488 million (P789.625 million) mula sa open tender habang ang total bids limang Asian firms, na nagkakahalaga ng $220.511 million (P12.017 billion), na mas mababa pa sa total budget ng ahensiya na $235 million (P12.807 billion).   JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.