NFA NALAGPASAN ANG PALAY BUYING TARGET

NFA-6

SA kabila ng mga dumaang kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nagawa pa ring makabili ng National Food Authority (NFA) ng palay mula sa mga magsasaka

Umabot sa halos 272,000 bags ng palay ang nabili ng NFA nitong Hulyo, 170% na mas mataas kung saan lagpas sa target na halos 160,000 na bag.

Nangunguna ang Bulacan sa mga lalawigang maraming nabiling palay ang NFA, kasunod ang Pampanga, Isabela, Camarines Sur, Eastern Pan-gasinan, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Cagayan, Nueva Vizcaya at Kalinga-Apayao.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, resulta ito ng ipinatutupad na rice tariffication law.

Sa ngayon, ang total palay procurement mula nitong Enero ay nasa 5.6 million bags.

Comments are closed.