NFA-NEGOCC TODO-SIKAP NA MAKABILI NG PALAY PARA SA BUFFER STOCKING

NFA-5

PINAALALAHANAN ng National Food Authority (NFA) ang mga magsasaka ng palay sa Negros Occidental na ang kanilang sangay sa probinsiya ay patuloy na bumibili ng palay para sa buffer stocking.

Sinabi ni provincial manager Frisco Canoy kamakailan na sila ay nangangampanya para sa  procurement program dahil hindi pa nakabibili ng supply ng palay mula sa mga magsasakang lokal mula pa noong Ene­ro.

“We have been informing them that our buying stations are open anytime to buy their produce at a certain price,” sabi niya.

Nag-aalok ang NFA ng buying price na PHP20.70 bawat kilo. Ang kasalukuyang support price ay PHP17 bawat kilo dagdag ng Buffer Stocking Incentive (BSI) na PHP3 at iba pang insentibo na PHP0.70 para sa deli­very,  pagpapatuyo at cooperative de-velopment.

Ang isang magsasaka ay makakukuha ng hanggang  PHP20.40 bawat kilo habang ang mga miyembro ng farmer-cooperatives ay makapagbebenta ng maximum price na PHP20.70 bawat kilo ng palay na ibinebenta sa ahensiya.

Sinabi ni Canoy sa nagdaang anihan, nakakuha ang NFA-Negros Occidental ng maliit na  volume ng palay.

Napansin niya na ang kakulangan ng pagbili sa pagitan ng Enero at Abril ay maiuugnay sa limitadong produksiyon sa unang apat na buwan ng taon.

Puwede ring magbenta ang mga lokal na magsasaka ng kanilang palay sa mga negosyante na puwedeng may mas mataas na presyo ng pagbili.

“We are also looking at the possibility that some farmers stored their product for consumption,” sabi ni Canoy.

Dagdag pa niya na ang limitadong produksiyon ay puwedeng maisama sa kasaluku­yang epekto ng El Niño phenomenon.

Ang pagbili ng palay ay isa sa mga proactive measures ng gobyerno sa pagpapatupad ng rice tariffication.

Noong nakaraang Pebrero 14, pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11203 na nag-aalis ng import re-strictions sa bigas para maging abot-kaya sa mga mamimili ng pangunahing pagkain ng mga tao.

Inalis na ng Rice Import and Export Liberalization Law ang regulatory functions ng NFA sa international at domestic trading ng bigas at ang ahensiya ay hindi na makakaaksiyon sa pag­lilisensiya at registration ng mga tao at organisas­yon na nasa linya ng grains business, at koleksiyon ng regulatory fees.

Pero, may mandato ang NFA na magpatupad ng buffer stocking, una para masiguro ang seguridad ng pagkain tuwing may kalamidad at emergencies.                    PNA

Comments are closed.