PATULOY ang pagpapalakas ng National Food Authority (NFA) na kanilang palay procurement program, at inudyukan ang mga magsasaka sa Western Visayas na ibenta ang kanilang ani sa gobyerno para makakuha ng insentibo.
“Under Republic Act 11203, NFA is mandated to focus on the optimal level of rice inventory for buffer stocking, which shall be maintained to address the needs for relief during calamities and emergencies anywhere across the country,” lahad ni NFA-Region 6 (Western Visayas) information officer Lalaine Doronilla kamakailan.
Dagdag pa niya na ang buffer stock ay magiging “accumulated through procurement from domestic palay production”.
Ipinakita sa datos mula kay Regional Operations Officer Ma. Theresa Alarcon na sa unang apat na buwan ngayong taon, nakakuha na ang NFA-6 ng 31,263 sako ng palay.
Sinabi ni Doronila na natukoy na ng NFA ang buying stations, kung saan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng kanilang asosasyon at local government units, na ipaaalam nila ang buying schedule.
“There are collection centers strategically located all over the provinces where NFA will assign a Procurement Team to accept and pay the palay sold by the farmers,” sabi niya.
Dagdag niya na ang NFA ay bibili ng palay mula sa mga “lehitimong magsasaka” o iyong may Farmer’s Passbook, Master’s Passbook o kasama sa validated “geotagging” na listahan ng Department of Agriculture (DA).
Ang first time walk-in farmers ay puwedeng lumahok pero kailangan nilang kumuha ng NFA passbook para sa kanilang susunod na transaksiyon.
Itinalaga ng NFA ang buying price sa PHP17 bawat kilo (kg) para sa malinis at tuyong palay. Ang dagdag na insentibo ay may kasamang dagdag na PHP3.00 bawat kilo bilang buffer stocking incentive (BSI); PHP0.20 bawat kilogram drying incentive kung ang palay ay may moisture content (MC) ng 14 porsiyento o mababa rito; PHP0.20 bawat kilo na delivery incentive at PHP0.30 bawa kilo na Cooperative Development Incentive Fee (CDIF).
Ang mga magsasaka na interesado na ibenta ang kanilang palay ay hinihimok din na makipag-coordinate sa NFA provincial offices sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Negros Occidental.
Puwede silang komontak sa NFA provincial managers (PM) Josephine Castillo para sa Aklan (0917-7031963); Antique, Marianito Bejemino (0917-5704674); Capiz, Jose Pacificador (0917-5699672); Iloilo, Oliver Cambas (0917-5145758) at sa Negros Occidental, Francisco Canoy (0917-5715658). PNA