NFA REGION-2 ‘DI MABIBILI ANG PALAY SA CAGAYAN

NFA RICE

KINUMPIRMA ng National Food Authority (NFA) Region-2 na limitado lamang ang kanilang bibilhing palay sa magsasaka sa Marso at Abril bunsod ng mataas na produksyon sa nasabing rehiyon at Cordillera.

Ayon kay Regional Director Rocky Valdez ng NFA Region 2, na ito ay dahil na rin umano na limitadong bilang ng personnel, pondo, mga warehouse na maaaring gagamitin na imbakan sa mga bibilhing palay ng nasabing tanggapan.

Kung saan ay umaabot lamang umano ito sa mahigit sa 50 milyong sako ng palay ang produksyon sa Rehiyon 2 at Cordillera habang 3 to 4 percent lang mula rito ang ka­yang bilhin ng kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Valdez na gumagawa sila ng mga paraan upang agad na mailipat at maibenta ang mga una na nilang mga nabiling palay, upang sa darating na anihan ay hindi na nila problema ang mga ibebenta ng mga magsasaka.

Samantala, sisikapin pa rin umano ng pamunuan ng NFA na maging pangunahing takbuhan ng mga magsasaka na nais na magbenta ng kanilang mga palay sa gitna na rin ng mababang bilihan dito ng mga private traders. IRENE GONZALES

Comments are closed.