NFA RICE DINAGSA

NFA RICE BUYERS

DINAGSA ang mga tindahan ng National Food Authority (NFA) ng mga mamimili dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mas swak sa budget kumpara sa commercial rice.

Sa isang NFA outlet sa Q.C, hindi maubos-ubos ang pila ng tao kahit tirik ang araw.

Hanggang ngayon, limitado pa rin  ang pagbili ng NFA rice–nasa tatlong kilo ang pinakama­raming puwedeng bilhin sa tig-P27 at dalawang kilo naman sa tig-P32.

Kuwento ng isang senior citizen, halos araw-araw bumabalik sa palengke para bumili ng limang kilo na NFA rice.

“Okay lang kahit araw-araw siyang magpila basta may pambili, pagkawala sorry,” aniya.

May mga dumarayo rin sa Commonwealth market mula sa Bulacan at Montalban, Rizal para sa naturang palengke bumili ng NFA.

“Wala kasi sa Bulacan, nagtataka nga ako bakit ang Bulacan wala,” hinaing ng isang mamimili.

Kung ayaw naman pumila sa NFA rice at nag­hahanap ng alternatibo, maaaring subukan ang corn grit sa mas mababang halaga.

“Okay naman siya. Mabigat sa tiyan, masarap din parang kanin,” sabi ng isang konsyumer na kumakain ng corn grit.

Nagpahayag ang isang nutritionist na maganda naman daw na alternatibo ang corn grits dahil mayaman ito sa fiber at protina, pero hinay-hinay rin dahil mataas din ang fat nito.

“Magandang alternative pero hinay-hinay din kasi puwedeng maging overweight at ingat din kasi mataas ang cholesterol,” ayon sa isang nutritionist dietician.

Comments are closed.