NFA RICE, DSWD FOOD PACKS IPAMAHAGI NA – SEN. BINAY

Nancy Binay-2

NANAWAGAN  si Senadora Nancy Binay na agad na ipamahagi ng National Food Authority (NFA) ang mga nakaimbak na bigas sa gitna  ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Binay, bukod sa COVID-19, nakababahala rin ang nakaambang kagutuman ng mga mahihirap na kababayan na walang pambili sakaling umabot sa 14 hanggang 30 araw o higit pa ang lockdown  para malabanan ang pagkalat ng sakit.

Kaya hiling ng senadora  sa Department of Social Welfare and Development ( DSWD), kung may natitira pang relief goods o food packs sa kanilang mga tanggapan ay agad na ipamahagi na rin ito sa mga mahihirap na kababayan at ipadaan sa mga barangay.

Iginiit ni Binay na importanteng maitawid muna kahit 14 araw lang ang mga pamilyang direktang naapektuhan ng lockdown at saka na lang i-assess at i-fine tune ang sistema kung kinakailangan. VICKY CERVALES

Comments are closed.