NFA RICE IPAPAMAHAGI SA TARGET AREAS

NFA RICE3

NAKATAKDANG mamahagi ang National Food Authority (NFA) ng subsidized rice sa mga target na lugar sa buong bansa kapag ang supply ay kailangan nang ibayad sa publiko.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercedita Sombilla, tinitingnan ngayon ng gob­yerno ang pagre-release ng buffer stocks sa publiko sa mga piling lugar.

“We will try to select areas where it is really most beneficial to give the NFA rice at a relatively low price,” pahayag niya sa isang panayam.

Sa ilalim ng Rice Liberalization Act, ang mandato ng NFA ay ibinaba para masiguro na ang Filipinas ay may sapat na supply ng buffer stock ng bigas.

Simula noong Marso 5, nagkaroon ng mandato ang NFA na siguruhin na ang Filipinas ay may sapat na buffer stocks—30 araw ng katumbas ng total consumption ng bansa sa panahon ng mahina at 15 araw  naman ng katapat nito.

Sa ilalim ng bagong batas, ang buffer stocks ay ire-release sa mga lugar na apektado ng pinsala at kalamidad.

Pero ang bigas ay puwedeng nakaimbak sa NFA ng ilang panahon lamang hanggang dumating ang oras na kailangan na itong palitan.

Sinabi ni Sombilla na dahil dito ang supply ay ire-release sa merkado bilang commercial rice, na maaaring may presyo ng P27 kada kilo.

“It’s going to be targeted, and that is one of the things or strategies that’s going to be developed by NFA dito sa incoming reorganization nila,” sabi niya.

“Different factors ‘yan—calamity, vulnerability sa calamity; deficiency ng rice; population proportion of poor households in that area. It’s going to be several factors that we have to study to determine the target areas,” paliwanag ni Sombilla.

Comments are closed.