NFA RICE LIMITADO NA LANG

NFA RICE

NAGPASYA ang Konseho ng National Food Authority (NFA) na ituloy ang pagbebenta ng murang bigas sa mga mahihi- rap na lugar sa Filipinas.

Ito ay matapos ianunsiyo ng Department of Agriculture nitong Pebrero ang paghinto ng pagbebenta ng NFA rice sa merkado alinsunod sa Rice Lib-eralization Law.

Sinabi ni  Agriculture Secretary Manny Piñol na  ipatutupad ito sa ilalim ng surgical marketing operation.

Nilinaw ng kalihim na hindi lahat ng lugar sa bansa ay mabibigyan ng alokasyon ng murang bigas dahil 10% lamang nito ang ibebenta sa merkado at prayoridad ang Metro Manila at iba pang mahihirap na probinsiya.

Makikipag-ugnayan na ang NFA sa lokal na pamahalaan  kaugnay  sa pagtatayo ng bigasan ng bayan.

Patuloy ang pagbili ng NFA  ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Sa kasalukuyan ay nasa apat na milyong sako na ng bigas  ang nabili ng NFA mula sa  mga lokal na  magsasaka.

Una nang iniulat na hanggang sa buwan ng Agosto na lang mabibili ang NFA rice  dahil hanggang doon na lamang ang stocks  nito.

Sa ilalim ng Rice Tariffication law, hindi na mag-aangkat ng bigas sa ibang bansa ang NFA.

Comments are closed.