Posibleng hanggang sa Biyernes pa maipakalat ng National Food Authority (NFA) sa mga pamilihan sa Metro Manila ang inangkat nilang bigas.
Ayon kay Director Rex Estoperez, Spokesman ng NFA, ngayon pa ibababa ng barko ang nakalaang bigas para sa NCR, dadalhin pa ito sa bodega para suriin ang kalidad bago ipamahagi sa mga retailer.
Tiniyak ni Estoperez na hindi na aabutin ng Sabado at mabibili na sa merkado ang murang bigas mula sa NFA dito sa Metro Manila.
Sinabi ni Estoperez na mas inuna nila ang distribusyon ng murang bigas sa mga lugar na marami ang mahihirap tulad ng Surigao, General Santos City, Bicol area at iba pa. DWIZ882
Comments are closed.