IMINUNGKAHI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa National Food Authority (NFA) na maglagay na ng NFA rice sa mga supermarkets para dumami ang puwedeng bilhan ng mga murang bigas.
Ayon kay Lopez, nakita nilang bababa ang presyo ng bigas kung marami ang suplay nito sa pamilihan sa pamamagitan ng mga nauna nang na-import sa atin na halos limang milyong toneladang bigas.
Nasa bidding na rin ang dagdag pang suplay na dalawang milyong tonelada ng bigas at limang milyon pa ang inaasahang darating bago matapos ang taon.
Samantala, inabisuhan na rin umano ni Lopez ang NFA na maglagay rin ng well-milled rice sa kanilang outlets sa mga pamilihan dahil mabibili lamang ito sa halagang P39 hanggang P42 kada kilo. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.