NFA RICE MABIBILI PA RIN SA MERKADO–DA CHIEF

NFA RICE3

MANANATILI pa rin ang bigas ng National Food Authority o NFA rice sa merkado kahit lagpas na ang buwan ng Agosto ngayong taon.

Tiniyak ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos na mapaulat na ang subsidized rice na ibinebenta sa merkado na nagkakahalaga ng P27 kada kilo ay mabibili na lamang hanggang Agosto.

Ayon kay Piñol, magpapatuloy ito kahit na matapos ang Agosto dahil sa ngayon ang mga stock sa NFA ay tatagal hanggang sa katapusan ng Agosto, ang huling importasyon ng NFA ay may 750,000 metric tons.

“Ngayon ay mabibili ng P27 dahil ang NFA ay hindi na pahihintulutang mag-import ng bigas, itigil na natin, hayaan na lang natin ang pribadong sektor na gawin ‘yan. Ito ang magiging epekto ng nilagdaang batas sa rice tariffication kamakailan,” saad ni Piñol.

Ayon pa sa DA chief, tiniyak ni Pangulong Duterte na kahit may tariffication at hindi pakikilahok ng NFA sa stabilization ng presyo at supply ng bigas sa merkado, mananatiling may NFA rice at haha­nap aniya siya ng paraan para irekomenda na pres­yuhan ng bigas at kung magkakaroon ng adjustment, hayaan na aniyang desisyunan ito ng mga policy makers.

Kasunod ng pagpasa ng Rice Tariffication Law ang NFA ay malilipat at mapapasailalim na sa Department of Agriculture simula Marso 3 ngayong taon. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.