NFA RICE SA BICOL REGION SAPAT

NFA RICE

ALBAY – POSITIBO ang National Food Authority (NFA)-Bicol na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng National Food Authority (NFA) rice sa mga retail outlets at palengke sa Bicol region.

Ito ay sa kabila ng pagka-delay ng pag-unload ng nasa 177,000 rice bags sa barkong nasa Tabaco City Port ng Albay na kasalukuyang isinasai­lalim sa fumigation process dahil sa natuklasang mga bukbok (red rust beetles) o peste sa bigas.

Paliwanag ni NFA Bicol Asst. Regional Director Yolanda Navarro, napuksa na ang mga peste na inumpisahan noong Agosto 19 at inaasahang matatapos na sa Agosto 30 habang Agosto 31 naman itutuloy ang unloading.

Mayroon pa aniyang natitirang stock sa anim na NFA provincial offices na mula sa 200,000 bags ng bigas na ipinamahagi noong nakaraang Hunyo na kaya pang magtagal ng hanggang sa 16 na araw. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.